Bars

Fudgy Gooey Revel Bars

Fudgy Gooey Revel Bars
Fudgy Gooey Revel Bars

Yummy Revel Bars you can easily make for business.

Buying Notes and tips:
You can buy Australian Harvest Quick Cooking Oats, pwedeng kahit na anung brand basta QUICK COOKING OATS ang nakalagay sa pakete na mabibili sa mga supermarkets.

Para sa Semi sweet chocolate droplets, may makikita po kayo nito sa SM Hypermarket (114.00 per half kilo) pero mas makakamura po kayo sa mga baking stores ng almost half the price, meron po nito sa chocolate lovers sa cubao, at sa All about baking sa welcome rotonda sa QC (150 per kilo)

 

Ingredients:
1 whole butter (softened)
2 cups or 1/4 kilo brown sugar
2 large eggs
1/4 tsp salt
1/4 tsp Baking soda
3 cups Quick cooking oats
1 and 1/2 cup Semi sweet chocolate
1/2 cup ng condense milk
2 cups all purpose flour
9 by 13 baking pan



Mama’s Guide Instructions:


Bawasan ng 2 tbsp ang butter at itabi muna sa saparate na pan


Sa isang malaking bowl, paghaluin ang butter (yung binawasan) at ang asukal.


Pagnahalo na ito ng mabuti, asin at baking soda at haluin


Ilagay ang dalawang itlog

 

Ilagay ang flour (wag i over mix)

 

Ihalo ang quick cooking oats

 

Haluin ng maigi pero wag haluin ng matagal para hindi maging over mix

Kunin ang itinabing 2 tbsp na butter, lagyan ng semi sweet chocolate chip at condense milk


Ilagay sa mahinang apoy hangang sa matunaw ang chocolate at butter at maghalo ang tatlo

Kunin ang 9 by 13 inch baking pan, lagyan ng konting oil ang paligid, mas ok kung malalagyan mo ng grease less paper.


Ilagay sa pan ang 3/4 ng oats mixture at ilapat ito hanggang sa maging pantay (1st layer)

 

Ilagay ang chocolate mixture sa ibabaw ng  nalapat na oats (2nd layer)

 

Yung natitirang 1/4 oats mixture ilagay sa ibabaw ng chocolate, hindi dapat icover ng oats yung buong pinakaibabaw, kailangan makikita pa rin yung ibang parte ng chocolate at yung ibang parte ay oats  (3rd layer)

 

Optional, pwedeng lagyan ng nuts or cashew sa ibabaw

 

Iluto sa oven, 175 deg, ng 25 to 30 mins.

 

Palamigin at saka ihanda or ihain!

 

 

 

Selling Tips:
9 by13 inch can be cut into  36 pcs,

(anim na hati pahalang at anim na hati patayo),


You can store it in clear box , 6  pieces per box and you can sell it for 60 pesos per box.


You can sell it for 360.00. Your approximate total expense for making this recipe is 150 to 170 pesos.

 

 

Credits:

Allen of Alexines

Special Photo Courtesy of Dontrivino

 

Loading...