Vegetables

Ginataang Talbos Ng Kamoteng Kahoy

Ginataang Talbos Ng Kamoteng Kahoy
Ginataang Talbos Ng Kamoteng Kahoy

 

Ginataang Talbos Ng Kamoteng Kahoy ng mga Bicolanos with Daing na isda on the side. Ang sarap nakakatakam. Lalo at mahilig ka sa maanghang ay maari mong dagdagan ng tinadtad na siling labuyo at tiyak na mapapalaban ka sa maraming kanin.

Sangkap:

1/4 kilo dahon ng kamoteng kahoy (cassava tops)
5 butil ng bawang, tinadtad
1 pc. Sibuyas, tinadtad

1 kutsarita ng luya, ginayat
2 pcs. Ginayat na niyog, pigain ang gata
Salt and pepper to taste

1-2 siling haba or siling labuyo

1-2 tsp Patis, pandagdag lasa


Paraan ng pagluluto:

Durugin at pigain ang dahon ng kamoteng kahoy. Isantabi.

 

Pakuluan ang kakang gata, idagdag ang bawang, sibuyas, luya at dahon ng kamoteng kahoy.

 

Hayaang kumulo hanagang malambot na ang mga dahon. Lagyan ng siling labuyo


Timplahan ng asin, patis at paminta ng ayon sa panlasa.
Maaring samahan ito ng daing na isda na hinimay. Sarap!

 

 

 

Special Photo Courtesy of:

Ceilo Nolasco Galabo

Bryan Ledesma

Clive Gabriel Collado Briones

 

Loading...