Budget Meal · Lutong Bahay (Daily Menu) · Vegetables

Ginataang Talbos Ng Kamoteng Kahoy

Ginataang Talbos Ng Kamoteng Kahoy
Credits Ceilo Nolasco Galabo, Bryan Ledesma, Clive Gabriel Collado Briones

Ginataang Talbos Ng Kamoteng Kahoy ng mga Bicolanos with Daing na isda on the side. Ang sarap nakakatakam. Lalo at mahilig ka sa maanghang ay maari mong dagdagan ng tinadtad na siling labuyo at tiyak na mapapalaban ka sa maraming kanin.

Ginataang Talbos Ng Kamoteng Kahoy

SANGKAP:

1/4 kilo dahon ng kamoteng kahoy (cassava tops)
5 butil ng bawang, tinadtad
1 pc. Sibuyas, tinadtad
1 kutsarita ng luya, ginayat
2 pcs. Ginayat na niyog, pigain ang gata
Salt and pepper to taste
1-2 siling haba or siling labuyo
1-2 tsp Patis, pandagdag lasa

PARAAN NG PAGLULUTO:

  1. Hugasan, durugin at pigain ang dahon ng kamoteng kahoy.  Pigain maigi hangang matuyo at mallis ang tubig. Isantabi.
  2. Pakuluan ang kakang gata, idagdag ang bawang, sibuyas, luya at dahon ng kamoteng kahoy.
  3. Hayaang kumulo sa mababang apoy hanggang sobrang malambot na ang mga dahon (overcooked).
  4. Lagyan ng siling labuyo upang umanghang
  5. Timplahan ng asin, patis at paminta ng ayon sa iyong panlasa.
  6. Maaring samahan ito ng daing na isda na hinimay. Sarap!

YOU MAY ALSO TRY OUR:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *