Mama's Recipes

Chicken Patties with Sauce

Loading...


Ingredients:

  • ½ kilong  giniling na manok
  • 1 sibuyas
  • 2 cloves ng bawang
  • 3 itlog
  • 3 kutsarang harina
  • Bread crumbs
  • Asin
  • Paminta
  • ½ tasa ng  oyster sauce
  • 1 puting sibuyas
  • 1 maliit na bell pepper
  • 1 maliit na patatas, hiniwa ng pacube
  • Mantika
  • Tubig

Instructions:

Iprito ang hiniwang patatas. Itabi.
Pagsama-samahin ang giniling na manok, sibuyas, bawang, at itlog. Haluin.
Timplahan ng asin at paminta.
Maglagay ng 2 kutsarang mixture sa kamay, bilugin, at palaparin para maging patties.
Pagulungin sa bread crumbs at iprito sa mainit na mantika.
Itabi ang mga napritong chicken patties.
Sa isa pang  kawali, maggisa ng puting sibuyas at bell pepper.
Ilagay ang oyster sauce at dagdagan ng ½ tasang tubig.
Takpan at pakuluin hanggang lumapot ang sauce.
Ilagay ang chicken patties at priniritong patatas. Iserve.

Facebook Comments