Chicken Recipes

Piaparan Manok (Maranao Delicacy)


Piaparan Manok is A Maranao Delicacy and a Halal food. It is a dish of creamy curried chicken with grated coconut or sapal ng niyog, plus herbs and spices. This is so yummy! You gotta try this recipe soon. Let me know if you have any questions or suggestions please!


Ingredients:

½ kilo ng manok
1/2 inch size luya
20g to 25g turmeric powder
4 na butil ng bawang
1 buong sibuyas na puti
2 cups kakang gata
sapal ng niyog
2 siling labuyo
dahon ng sibuyas

1 bell pepper green
asin
1/2 cup tubig

¼ cup chicken broth (tubig ng pinakuluang manok)
mantika

Piaparan
Piaparan


Mama’s Guide Instructions:


Igisa ang tinadtad na luya at bawang

Ilagay ang manok at isangkutsa ng 5 minuto

Isunod  ang sibuyas na puti, siling labuyo, bell pepper, gata at turmeric powder  at hintaying kumulo.

Lagyan ng  kalahating basong tubig.

Timplahan ng asin at ilagay ang dahon ng sibuyas  saka pakuluin hanggang lumambot ang manok. Itabi ang sabaw nito.

Kapag luto na, tanggalin ang manok at itabi

Sa isang kawali  mag-gisa ng luya, bawang at ilagay ang sapal ng niyog na may halong turmeric powder.

Isangkutsa at lagyan ng 1/4 na tasa ng sabaw ng pinagpakuluan ng manok

Lutuin hanggang matuyo ang sapal ng niyog

Pagkatapos  i-halo ang itinabing manok.

 

Credits:

Umagang Kay Ganda

Londongrl_78

Facebook Comments
Piaparan Manok (Maranao Delicacy)
Rate this Recipe