Filipino Native Food · Holiday Recipes · Lutong Bahay (Daily Menu) · Pork Recipes

Hamonadong Liempo ng Bulacan

Hamonadong Liempo ng Bulacan

Isa na naman napaka sarap na version ng hamon, Hamonado Liempo ng Bulacan. Malinamnam at malasa sa marinating sauce. I-marinate ng mahabang oras upang manuot ang sarap ng timpla sa liempo. Winner sa buong pamilya! Happy cooking mga ka-mama’s. Enjoy!

Hamonadong Liempo ng Bulacan

INGREDIENTS:

1 kilo pork liempo
4 kutsarang granulated sugar
2 kutsarang pinong asin
2 kutsarang sukang bulacan
2 tasang pineapple juice
2 kutsarang brown sugar
1 tasang beer

INSTRUCTIONS:

1. Tanggalin ang balat ng liempo, hugasan ito at patuyuin saka itabi.
2. Paghalu-haluin ang asukal, suka, asin saka unti-unting ipahid sa liempo.
3. Tusok-tusukin ang liempo para manuot sa loob ng karne ang mga sangkap saka ito ilagay sa refrigerator sa loob ng tatlong araw.
4. Bago lutuin, muling hugasan ang liempo.
5. Isalang ito sa apoy kasama ang mga sangkap na pineapple juice, brown sugar, at beer. Hintaying lumapot ang sauce at lumambot ang karne.
6. Hanguin ito mula sa sarsa. Bago ito ihain, budburan ito ng puting asukal at saka plantsahin gamit ang nagbabagang siyanse para mabalot ang hamon sa caramelized sugar. Maari din gumamit ng torch na may apoy.

This recipe goes well with:

Fresh Lumpia (with Sauce and Wrapper) 

Credits @paulagorgeous112190