Seafood

Minantikilyahang Sugpo sa Bawang

Minantikilyang Sugpo sa Bawang
Minantikilyang Sugpo sa Bawang

Minantikilyang Sugpo sa Bawang, subukan ang napakadaling lutuin na ulam para sa iyong pamilya.

Simple, mabilis lutuin pero nanunuot ang linamnam at sarap ng minatikilyang sugpo sa bawang!

Alam mo ba na ang tawag sa malaking hipon ay sugpo or prawns in english. Ito ay kamaganak ng mga ulang or ang tinatawag nilang lobsters. Mas naiiba ang itsura ng sugpo dahil ito ay may guhit guhit mula ulo hangang katawan na medyo kulay itim. Ito rin ay tinatawag nilang Tiger prawns. At kapag ito ay naluto, ito ay nagiging kulay orange. Kaya sa susunod na makakita ka ng mga hipon at sugpo, alam mo na kung alin ang pipiliin at hindi ka na malilito kung anu ang pinagkaiba  ng hipon at sugpo. Wow na wow information sa pagluluto. Ito ay simpleng gabay lamang sa pagluluto ng Minantikilyang Sugpo sa bawang.

Tara na at lutuin natin ang Minatikilyang Sugpo sa Bawang. Happy cooking mga ka-MGR. Enjoy!

 

Ingredients:

  • Sugpo (may ulo o wala)
  • Kalamansi o limon
  • 1 tasang mantekilya/butter
  • Sibuyas na mura (green onions)
  • 1 ulo ng bawang (pinitpit at ginayat)
  • 1/2 kutsaritang durog na paminta
  • Asin

Mama’s Guide Instructions:

Hugasan at linising mainam ang sugpo. Budburan ito ng katamtamang asin at pigaan ng katas ng kalamansi o limon. Hayaan ito mababad ng 15 minuto.
Mag-init ng kawali sa mahinang apoy. Ilagay at tunawin ang mantikilya. Ipritong bahagya ang bawang hanggang sa mangamoy ito. Idagdag ang sugpo, lakasan ng konti ang apoy at igisa-gisa ito ng 1 minuto. Idagdag ang green onion na hiniwang maninipis at ang paminta. Igisa muli at haluin ng 1 minuto. Hinaan ang apoy, takpan at hayaan ng 2 pang minuto. Patayin ang apoy, isilbi kasama ng hiwa-hiwang kalamansi o limon at maraming kanin. Masarap din po itong iterno sa sukang may sili.

 

Source:

Pinoy exchange

Wikipedia

mgalutonidennis

Facebook Comments
Minantikilyahang Sugpo sa Bawang
Rate this Recipe