Asian Food · Beef Recipes

Pinoy Style Beef Satay

Pinoy Beef Satay by dewi_ethan

Ang beef Satay ay sikat na streetfood sa Malaysia at mga kapit bahay nitong bansa katulad ng Indonesia at Singapore. Napaka lasa nito sapagkat ginamitan ito ng ibat ibang spices sa bansa nila. Ang version ng recipe na ito ay simple lamang at swak sa taste bud ng pinoy. Subukan at tikman ang sikat na sikat sa Malaysia – Beef Satay Filipino Style. Kain na po!

Kung mas preferred ang chicken, maari mo rin subukan ang Chicken Satay

 

Ingredients:

½ kilo camto (flank steak) hiniwa ng maninipis pang bbq
3 kutsarang fresh lime juice (pwede rin ang kalamansi)
3 kutsarang soy sauce
2 kutsarita dark brown sugar
2 butil ng bawang, tinadtad
1/2 kutsarita turmeric
1/8 kutsarita crushed siling labuyo
16 (9-inch) BBQ sticks, binabad sa tubig ng 30 minuto
Wansoy or Cilantro, tinadtad

Toasted garlic, optional garnish


Para sa Peanut Sauce:
1 kutsara ng peanut oil
1/4 tasa ng tinadtad na shallots
2 butil ng bawang, minced
3/4 kutsarita ng Thai red curry paste (curry powder kung walang mahanap)
1/3 tasa ng creamy peanut butter
2 kutsarang hoisin sauce
2 kutsarita ng dark brown sugar
2/3 tasa ng tubig
1 kutsarang fresh na katas ng lime or  kalamansi kung walang lime
1 kutsarang wansoy or cilantro, tinadtad

Asin at pamintang durog

Instructions:

Hiwain ang skirt steak ng pahalang sa apat na piraso at may habang 4 inches. Hiwain ng maninipis at 1 inch ang lapad. Pagkatapos ay gumamit ng kitchen hammer at pitpitin ng (martilyong pangpagkain). Pwede rin ang mortar, lagyan ng plastic sa ibabaw ang karne bago pitpitin. Pinipitpit ito para mas madaling maluto ang laman. Timplahan ito ng asin at pamintang durog.

Sa isang bowl, paghaluin ang lime juice, soy sauce, dark brown sugar, garlic, and dinurog na siling labuyo. Ilagay ang hiniwang steak at paghaluin maigi para kumapit ang timplada sa steak. Isantabi upang imarinate ng 30 minuto sa normal na temperatura.

Ihanda ang ihawan. Pahiran ng konting mantika ang ihawan para hindi manikit ang iihawin.

Ituhog ang marinated na baka sa BBQ sticks. Ilapat maigi ang maninipis na hiwa ng baka, upang madaling maluto.

Ihawin ang mga natuhog na baka sa BBQ sticks hangang sa maluto maigi ang mga steak or baka. 2 minuto sa bawat side.

Upang ihanda ang sauce, paghaluin lamang ang lahat ng sangkap sa isang bowl at haluin maigi.

Kapag luto na ang BBQ, ihain sa dahon ng saging at budburan ito ng wansoy, toasted garlic at lagyan ng maraming peanut sauce. Enjoy!

 

Source:

Chef Marcus Samuelsson

Facebook Comments
Pinoy Style Beef Satay
5 (100%) 2 votes