All Kinds of Sisig · Filipino Native Food · Lutong Bahay (Tagalog Version)

Bicolandia’s Kandingga

Bicolandia’s Kandingga
Bicolandia’s Kandingga

Bicolandia’s Kandingga, masiramon ang pagkaun digdi sa Bicol! Subukan ang bopis version ng mga Bicolano sa Kandingga recipe na ito. Sa english language ang tawag dito ay Filipino Sour Pork Lungs & Heart. Ito ay super spicy kaya maghanda ng maraming kanin dahil mapapalaban ka sa anghang at sarap.

Ito rin ay parang version ng sikat na sisig. Sa Bicol province ito ay sikat na lutong bahay ngunit hinahain na rin ito sa mga sikat na kainan sa Bicol katulad ng 1st Colonial Restaurant. Tara at tikman natin ang napakasarap na ulam na lutong Bicolano, Bicolandia’s Kandingga.

 

Ingredients

1 buo ng baga at puso ng baboy
4 na butil ng bawang, chopped
2  sibuyas na pula, chopped

1 cup of sugar cane or strong vinegar
1 1/2 tablespoon ground pepper
salt, fish sauce and magic sarap to taste (depending on your taste)
dried bay leaves

1-2 siling labuyo (optional)

1 bundle Siling haba, tinanggal ang buto at tinadtad

Instructions:

Sa isang kaldero, pakuluan ang baga at puso ng baboy sa sapat na tubig hangang sa lumambot.

Kapag malambot na ang baga at puso, palamigin ng konti at tadtarin ng maliliit gamit ang chopping board. Maari din itong igiling para mas madali.

Kumuha ng kawali at igisa ang bawang hanggang maging golden brown. Idagdag ang sibuyas, haluin hangang sa maluto sa mahinang apoy. Idagdag ang tinadtad na baga at puso. Haluin maigi ng ilang minuto.

Ilagay ang dahon ng laurel, siling haba at labuyo. Timplahan ng asin, paminta, patis at magic sarap. Ibuhos ang suka at takpan sa mahinang apoy sa loob ng 7 minuto. (Huwag itong haluin). Pagkatapos ng ilang minuto, ay tangalin ang takip at saka haluin. Timplahan at tikman ng naayon sa panlasa.

Maari ng patayin ang apoy. Pwede ng ihain na may kasamang mainit na kanin. Kain po tayo!

 

Source:

Group Recipes

Photo by franceszonita

Facebook Comments
Bicolandia’s Kandingga
Rate this Recipe