Filipino Native Food · Kakanin · Lutong Bahay (Tagalog Version)

Sapin Sapin (Tinagalog)

Sapin Sapin (Tinagalog)
Sapin Sapin (Tinagalog)

Ang recipe na ito ng Sapin Sapin (Tinagalog) ay makakagawa ng isang bilao ng Sapin sapin gamit ang steamer. Simple lamang at madaling unawain ang paraan ng pagluluto. You may also want to check out the english version recipe of Sapin-Sapin (Layered Sticky Rice Cake)

Salamat kay Mhar Barata for the recipe.

#LetsCookMGR

 

Sapin Sapin (Tinagalog) Recipe

 

Mga sangkap ng Sapin Sapin (Tinagalog):

2 kilos glutinous rice flour
2 lata ng condensed milk (regular size)
1 kilo fresh niyog ginayat at pinigaan**

1/2 kilo sugar
food color (violet and yellow)

1 tsp flavoring (ube at langka), optional
butter or oil (pang-grease)

 

**Note: Pigain ang niyog without water, lagyan ng 1 ½ cups maligamgam water sa pangalawang piga

 

Paraan ng Pagluluto:

Sa isang malaking bowl, pagsamahin ang glutinous rice flour at asukal. Haluin maigi.

Isunod ilagay ang kakang gata, condensed milk, haluin mabuti. Kapag nahalo ng maigi. Kumuha ng dalawang extra bowl.

Hatiin sa tatlong bowl ang malagkit mixture na ginawa.

Lagyan ng ube color at flavor ang unang bowl at haluin hangang sa makuha ang nais na kulay.

Ilagay naman ang yellow color at langka flavor sa pangalawang bowl. Haluin maigi upang maging pantay ang kulay.

At ang ang pangatlong bowl ay hayaan lamang na puti ang kulay nito. Isantabi muna ang tatlong bowl.

Ihanda ang steamer at magpakulo ng tubig.

Habang inaantay kumulo ang tubig ng steamer.

Ihanda naman ang hulmahan ng sapin sapin, pahiran ng oil ang buong paligid upang hindi manikit ang malagkit mixture.

Kapag kumukulo na ang tubig ng steamer, ilagay ang ube color mixture sa iyong hulmahan.

Ito ang unang layer ng iyong sapin sapin. Maari mo na itong isalang sa loob ng 20-30 mins gamit ang mahinang apoy.

Takpan ng katsa ang ibabaw ng steamer at lagyan ng takip ng kaldero upang maluto maigi.

Antayin ang tamang oras bago icheck kung luto na ang first layer ng sapin sapin. I-check ng toothpick at tusukin sa gitna. Kung luto na, walang didikit na mixture sa gilid ng toothpick test.

Kapag luto na ang first layer, palamigin saglit. At saka ilagay ang 2nd layer (puti). Ilapat maigi at pantayin. Ulitin ang step na ginawa sa pangatlong kulay (yellow) hangang sa maluto.

 

Paraan ng pagluto sa Budbud:

Sa isang kawali, isangag ang sapal ng niyog na pinagpigaan ng kakang gata. Isangag ito sa mahinang apot hangang sa maging golden brown. Kapag luto na ang sapal, lagyan ito ng konting asukal. Ito ang tinatawag na Budbud na pang toppings sa sapin sapin.

Maari ka rin gumawa ng latik kung nais.

 

Paraan ng Pagluluto ng Latik:

Iluto lamang ang 2 cups kakang gata sa isang kawali at haluin ng haluin hangang sa matuyo at lumabas ang mantika at magbuo-buo ang  butil ng latik mula sa gata. I-drain ang mantika at ihiwalay ang latik sa isang bowl. Pwede na itong pang garnish sa sapin sapin.

Kapag luto na ang pangatlong layer ng sapin sapin ay palamigin saglit. Langisan ang kutsilyo at padaanin sa gilid ng molde upang madaling humiwalay kapag itinaob.

At saka ito isalin sa tray na may lining ng dahon ng saging. (Painitan muna sa apoy ang dahon ng saging upang lumambot ng bahagya.) Pahiran ito ng mantika at saka itaob ang pinalamig na sapin sapin. Hiwain ng pa-diamond shape at lagyan sa bawat hiwa ng tumpok ng latik or budbud.

Maari ng ihain. Enjoy!

 

Source:

Panlasang Pinoy

Photo by Mhar Barata

Loading...