Lutong Bahay (Tagalog Version)

AMPALAYA CON TOKWA

Loading...

Mga Sangkap:
1 pc. Large Ampalaya (alisin ang buto at hiwain at ayon sa nais na kapal)
250 grams Tokwa (cut into cubes)
3 Eggs beaten
1/4 cup Mama Sita’s Oyster Sauce
5 cloves Minced garlic
1 large White Onion sliced

2 pcs tomatoes, sliced
salt and pepper to taste
Patis (pampasarap)
cooking for frying

Tips: ibabad sa tubig na may asin ang ampalaya para mabawasan ang pait. Hugasan. Pigain at idrain bago isahog sa niluluto.

Ampalaya Con Tokwa
Photo by Jackie Mamangon


Paraan ng pagluluto:


Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang tokwa hanggang sa maging golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.

Lagyan muli ng mga 2 kutsarang mantika ang kawali.

Igisa ang bawang at sibuyas at kamatis.


Ilagay ang ampalaya. Timplahan ng konting asin at paminta. lagyan ng mga 1/2 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang ampalaya. Huwag i-overcooked.

Kung malapit ng maluto ang amplaya, ilagay ang oyster sauce, nilutong tokwa. Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng sangkap. Ibuhos ang binating itlog. Hayaan ng ilang segundo at saka haluin maigi para maging strips ang nalutong itlog.

Timplahan ng patis. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ready to serve na. Enjoy!

 

Source:

Luto ni Dennis

Facebook Comments

Leave a Reply