Icing

Marshmallow Icing

Loading...

For your convenience the instructions will be in English and Tagalog language or version. #LetsCookMGR

 

Ingredients:

2 egg whites (Medium Egg Size)

1 1/2 cups white sugar

1/3 cup cold water

1 1/2 teaspoons light corn syrup

1 teaspoon vanilla extract

1 cup miniature marshmallows

 


Instructions:

Combine egg whites, sugar, water and syrup in a stainless bowl or any heat proof bowl (for double boiler). Place your stainless bowl over a pot of rapidly boiling water.

Beat until mixed well. And then beat constantly with electric beater while it cooks for 7 minutes or until it will stand in peaks when beater is raised. Remove from heat.


Stir in marshmallows and vanilla. Beat until they melt. You will know you achieve the perfect peak, if your icing doesn’t move at all when you invert your bowl.

Marshmallow Icing
Marshmallow Icing

Paraan ng Pagluluto:

Maghanda ng kaldero na may tubig, at pakuluan ito gamit ang katamtamang apoy. Ito ay iyong gagamitin bilang double boiler.

 

Kumuha ng heat proof bowl or stainless bowl. Paghaluin ang mga sumusunod: egg whites, asukal, cold water at light corn syrup. Gumamit ng whisker or tinidor. Kapag nahalo ng maigi ang mga sangkap. Ipatong ang stainless bowl sa kaldero ng kumukulong tubig gamit ang katamtamang apoy. Ito ang tinatawag na double boiler. Paiinitan mo ang iyong sangkap sa double boiler, dahil dito ang init ay mas kontrolado upang maiwasan maluto ang puting itlog.

 

Haluin ng electric hand mixer ang mga sangkap habang ito ay pinaiinitan sa double boiler. Patuloy na haluin ng beater or mixer sa ibabaw ng double boiler sa loob ng 7 minuto. Gawin ito hangang sa maging malapot ang icing at kapag inangat mo ang hand mixer ay kapit na kapit ito sa bakal ng beater. Patayin ang apoy. At saka ilagay ang mini marshmallow at vanilla flavor.

Haluin muli ng electric hand mixer hangang sa matunaw ang marshmallow.

 

Malalaman mong naabot mo na ang perfect peak ng iyong Marshmallow icing kapag hindi na gumagalaw ang iyong icing kahit itaob mo pa ang bowl.

 

Palamigin muna ang iyong marshmallow icing bago ito ilagay sa pipe at ifrost sa cupcakes or cake.

Nagawa mo na ang iyong Marshmallow Icing! Yehey..

 

Source:

All Recipes

Facebook Comments

Leave a Reply