Lutong Bahay (Tagalog Version)

Kaldereta sa Gata at Peanut Butter

Kaldereta sa Gata with Peanut Butter
Kaldereta sa Gata with Peanut Butter

Kaldereta sa Gata with Peanut butter is a beef stewed in coconut milk, tomato sauce and a hint of peanut butter. Bursting in flavor in rich coconut milk with a very tender beef. This is an ultumate beef stew you’ll ever taste. You gotta try this Kaldereta sa Gata with Peanut Butter.

Isa na namang napakasarap na version na lutuing bahay, Kaldereta sa Gata at Peanut Butter. Maaring lutuin sa mga espesyal na okasyon, birthday, binyagan at fiesta. Siguradong panalo lutuin ang recipe na ito. Palaging tandaan na ang sikreto sa napakasarap na Kaldereta ay ang malambot na laman ng baka. Palambutin ito ng humigit kumulang sa 2 oras at tiyak na malambot na ito.

Kaldereta sa Gata with Peanut Butter 

(Tagalog Version)

Sangkap:

1 kilo beef brisket or beef cubes

2 Tablespoon Butter

1 tablespoon Olive Oil

6-8 garlic cloves, crushed

2 medium white onions, chopped

5 Tomatoes, diced

1 teaspoon Salt

½ teaspoon, ground Black Pepper

2 teaspoons, Fish Sauce*

2 Bay leaves

2 cups Beef broth (or water)

1 can of SM Bonus Coconut Cream (Pwede rin ang coconut milk)

2 medium potatoes, chopped into 1” cubes

2 medium carrots, sliced into 1” cubes

Additional oil for frying the potatoes and carrots

1 Red Bell Pepper, chopped

1 Chili/hot pepper of choice or ¼-½ teaspoon Red Chili flakes* (optional)

100 ml Del Monte Filipino style tomato sauce

2 Tablespoons, Peanut Butter (I used Lady’s choice)

Paraan ng Pagluluto:

1) Painitin ang kaunting olive oil at butter sa (medium-heat) sa isang malalim na kawali. Kapag tunaw na ang butter ay ilagay ang baka at isangkutsa hanggang maging brownish ang kulay o hangang sa maluto ang baka. Isalin sa mangkok at ihiwalay ang mantika sa pangisa mamaya.

2) Gamitin muli ang kawali at lagyan ng kaunting mantika na pinagprituhan ng baka. Igisa ang sibuyas at bawang hanggang bumango. Ihalo ang diced tomatoes at lutuin ng mga 3-4 minutes hanggang lumambot ito. Idagdag ang ginisang karne. Halu-haluin. Budburan ng asin at paminta. Tikman at  lagyan ng patis kung kinakailangan. Ihalo na rin ang dahon ng laurel.

3) Isalin ito sa malaking kaldero, ibuhos ang beef broth o tubig at kasama ng coconut cream. Takpan at pakuluin. Hinaan ang apoy sa mababang apoy at palambutin ang baka sa loob ng 2 hours. Magdagdag ng paunti unting tubig upang hindi matuyuan ng sauce habang pinapalambot pa ang baka. (about 1 cup lamang)


4) Siguraduhin malambot na ang baka gamit ang tinidor. Perfect na sa lambot ang baka kapag madaling maghiwalay ang laman kapag tinusok ng tinidor. Bantayan at halu-haluin upang hindi masunog sa ilalim or manikit.

5) Habang pinapakuluan ang baka, i prito ang mga hiniwang patatas at carrots. Kapag sigurado ng malambot na ang karne. Maari mo ng ihalo ang patatas, carrots at bell peppers.

6) Ihalo na rin ang sili flakes kung ninanais ng medyo maanghang. Lutuin ng mga 5 minuto o kapag lumambot na ang mga bell peppers. Ihalo ang peanut butter at tomato sauce.

7) Haluin maigi at timplahan ng naaayon sa inyong panlasa (asin, paminta at patis). Haluin at palaputin maigi ang sauce, ngunit huwag hayaang mag curdle ang coconut.  Patayin ang apoy kapag malapot na ang sauce.

Notes: Palatandaan na nagcurdle na ang coconut milk kapag nagmamantika na ito.

Maari ng ihain. Maghanda ng maraming kanin. Fight!

 

Source

Facebook Comments
Kaldereta sa Gata at Peanut Butter
5 (100%) 4 votes

Leave a Reply