Lutong Bahay (Tagalog Version) · Salads

MACARONI FRUIT SALAD

Loading...
Photo by @abillytea

Mga Sangkap:

4 cups macaroni pasta, cooked al dente
1 can fruit cocktail, drained
1 cup pineapple tidbits, drained
1.5 cups nata de coco
1.5 cups kaong
1 cup Eden or Velveeta cheese, cubed
396 grams sweetened condensed milk
396 grams all purpose cream

Paraan ng Pagluluto:

Magpakulo ng tubig sa isang kaldero, iluto ang macaroni at palambutin ng mga 10 minutes. Pagkaraan ng 10 minuto ay patayin ang apoy. Itapon ang tubig at ihiwalay ang macaroni.

Sa isang malaking fruit salad bowl, dahan dahan haluin ang fruit cocktail, pineapple tidbits, nata de coco, kaong, cheese, condensed milk, Nestle Cream at macaroni. Palamigin ito ng ilang oras sa freezer.

Kapag malamig na ang salad ay maari na itong ihain. Enjoy!!

 

Source

Photo