Kakanin · Lutong Bahay (Tagalog Version) · Merienda

PUTO CAKE

Ingredients:

2 cups all purpose flour
1 ½ tbsp baking powder
1/2 cup evaporated milk
2 eggs, beaten
Cheddar cheese, cut into strips for
1/2 cup white sugar
1/2 cup butter
1 cup water

Loading...


Toppings:
Cheese or Salted egg, hiniwa ng maninipis


Instructions:

Ihanda at magpakulo ng tubig sa steamer, lagyan ito ng 1 tbsp vinegar.

 

Mag simula gawin ang puto mixture. Salain sa isang mangkok ang all purpose flour, baking powder at asukal. Ihalo ang tubig ng paunti unti, gatas, at butter hangang sa maghalo maigi ang mga sangkap. (Pero huwag sosobrahan ng halo dahil maaring masira ang texture ng iyong mixture kapag nasobrahan ng halo.)

 

Maari na itong isalin sa mga puto molds na pinahiran ng mantika. About ¾ full, mag iwan ng konting allowance. Lagyan ng hiniwang maninipis na keso or itlog na maalat.

Kapag kumukulo na ang tubig ng steamer ay maari mo ng isalang ang mga molde ng puto sa steamer. Huwag kaligtaan lagyan ito ng katsa or cheese cloth bago takpan ang kaldero para hindi matuluan ang mga puto ng tubig ng steamer.

Iluto ang puto at pausukan sa steamer sa loob ng 20 hangang 25 minuto. Huwag gaanong maging excited, huwag bubuksan ang steamer hangat hindi naabot ang nasabing oras upang hindi mahilaw ang niluluto. Kapag oras na, tignan kung luto na puto, maari itong tusukin sa gitna gamit ang toothpick. Kapag malinis na lumabas ang toothpick ay luto na ito

 

Facebook Comments