Lutong Bahay (Tagalog Version) · Soups

Sinigang na Lechon Kawali

Ingredients:
1/2 kilo liempo
1 tangkay celery
2 piraso sibuyas
2 tangkay onion leeks
2 piraso bawang
salt and pepper
tubig

Instructions :

Para sa Lechon Kawali:
1. Sa isang kaldero, pakuluan ang liempo at lahat ng mga lahat ng rekado.
2. Lutuin ito hanggang malambot na. Kapag nasa tamang lambot na, alisin at ilagay na ang liempo sa balzano airfryer.
3. Lutuin ito sa loob ng mga 15 minuto o hanggang makuha ang gustong gustong lutong.

Para sa Sinigang soup:

Ingredients:
2 piraso kamatis na hinog
2 piraso sibuyas
4 piraso kalamansi
1/4 kilo sampalok or sampalok mix
1 tali sitaw
2 piraso talong
1 tali kangkong
5 piraso siling pang sigang
1 piraso labanos
3 piraso gabi
asin at patis
mantika

Instructions :
1. Sa isang kawali igisa ang sibuyas, kamatis at sinigang mix (kung walang fresh sampalok)
2. Timplahan ng patis.
3. Lagyan ng sapat na dami ng tubig o hugas bigas na sabaw para mas malinamnam.
4. Idagdag ang tinunaw na gabi at kalamansi.
5. Hayaan itong kumulo, at saka naman ilagay ang talong labanos sitaw.
6. Idagdag sa huli ang kangkong at siling haba.
7. Kapag luto na ang sinigang, ay maari ng ilagay ang lechon kawali.

 

Ihain ng mainit and enjoy! Happy cooking 💗

 

Source

Loading...