
Beef Lengua de Pastel is another popular version of beef tongue dish in delicious creamy mushroom sauce. This recipe is in Tagalog instructions & easy to follow. Isang masarap na version ng Lengua! Creamy white sauce naman ito. Tara at magluto na. Happy cooking!
Beef Lengua de Pastel (Beef Tongue)
Mga sangkap:
- 1 kilo dila ng baka, nilinis maigi
- 1/4 tasa sibuyas (hiwain ng pakwadrado)
- 5 butil bawang (hiwain ng pakwadrado)
- 1 kutsara pamintang buo
- 1/4 tasa butter
- 1 tasa cream of mushroom
- 1 tasa evap milk
- 1 lata button mushroom
- asin at paminta
Paano Linisin ang Dila ng Baka:
Kuskusin ng cornstarch ang dila para matanggal ang lansa. Hugasan.
Banlian sa kumukulong tubig at tanggalin ang madulas na balat sa ibabaw gamit ang knife.
Paraan ng pagluluto:
- Pakuluan ang dila ng 4 oras o mahigit pa sa tubig na may asin, paminta at herbs (bay leaves or dried herbs herbs, pamintang buo at asin)
- Igisa sa butter ang sibuyas, bawang at mushroom.
- Ilagay ang cream of mushroom at gatas bago timplahan ng asin at paminta. Hayaang kumulo.
- Ilagay ang hiniwa- hiwang pinakuluang dila. Hayaang maluto hanggang lumapot ang sarsa.
YOU MAY ALSO TRY OUR:
PORK DE PICKLES (Menudo ng Marikina)
Credits Chef Daisy Hipolito