Bars · Brownies · Filipino Recipe

Fudgy Gooey Revel Bars (Tagalog Version)

Fudgy Gooey Revel Bars
Credits @Dontrivino

Yummy Fudgy Gooey Revel Bars you can easily make for business.

Buying Notes and tips:
You can buy Australian Harvest Quick Cooking Oats, pwedeng kahit na anung brand basta QUICK COOKING OATS ang nakalagay sa pakete na mabibili sa mga supermarkets.

Para sa Semi sweet chocolate droplets, may makikita po kayo nito sa SM Hypermarket (114.00 per half kilo) pero mas makakamura po kayo sa mga baking stores ng almost half the price, meron po nito sa chocolate lovers sa cubao, at sa All about baking sa welcome rotonda sa QC (150 per kilo)

Fudgy Gooey Revel Bars

INGREDIENTS:

  • 1 whole butter (softened at room temp)
  • 2 cups or 1/4 kilo brown sugar
  • 2 large eggs
  • 1/4 tsp salt
  • 1/4 tsp Baking soda
  • 3 cups Quick cooking oats 
  • 1 and 1/2 cup Semi sweet chocolate
  • 1/2 cup ng condense milk
  • 2 cups all purpose flour
  • Baking Pan: 9 x13 

INSTRUCTIONS:

  1. Bawasan ng 2 tbsp. ang butter at itabi muna.
  2. Sa isang malaking bowl, paghaluin ang butter (yung binawasan) at ang asukal.  Pagnahalo na ito ng mabuti, idagdag ang asin at baking soda at haluin. Ilagay ang dalawang itlog. Ilagay ang flour (wag i over mix). Ihalo ang quick cooking oats. Haluin ng maigi pero wag haluin ng matagal para hindi maging over mix. Isantabi muna ang iyong oats mixture.
  3. Kunin ang itinabing 2 tbsp na butter, lagyan ng semi sweet chocolate chip at condense milk. Ilagay sa saucepan gamit ang mahinang apoy hangang sa matunaw ang chocolate at butter at maghalo ang tatlo. Patayin ang apoy once matunaw ang chocolate para hindi masunog.
  4. Kunin ang 9 x 13 inch baking pan, lagyan ng konting oil ang paligid, mas ok kung malalagyan mo ng greaseless paper.
  5. Ilagay sa pan ang 3/4 ng oats mixture at ilapat ito hanggang sa maging pantay (1st layer)
  6. Ilagay ang chocolate mixture sa ibabaw ng  nalapat na oats (2nd layer)
  7. Yung natitirang 1/4 oats mixture ilagay sa ibabaw ng chocolate na parang island, hindi dapat i-cover ng oats mixture yung buong pinakaibabaw, kailangan makikita pa rin yung ibang parte ng chocolate at yung ibang parte ay oats  (3rd layer)
  8. Optional, pwedeng lagyan ng chopped nuts or cashew sa ibabaw
  9. Iluto sa oven, 175°C  ng 25 to 30 mins. Palamigin at saka hatiin at ihain!

Selling Tips:
(anim na hati pahalang at anim na hati patayo),

You can store it in clear box , 6  pieces per box and you can sell it for 60 pesos per box.

You can sell it for 360.00. Your approximate total expense for making this recipe is 150 to 170 pesos.

YOU MAY ALSO TRY OUR:

HOW TO MAKE CRAB LOLLIPOPS

Credits Allen of Alexines