
“Seafood Binakol or BINAKOL NA YAMANG TUBIG – ang Binakol ay isang uri ng putaheng Pinoy na ipinakilala ng mga kababayang Ilonggo. Nagsimula ito sa isang simpleng nilagang manok, nilagyan ng luya at naging tinola hanggang sa naging bida sa hapag ng kainan ni Kapitan Tiyago sa nobelang Noli Me Tangere. Binakol ang tawag sa tinolang manok gamit ang sabaw at kinayod na sariwang laman ng buko. Sa pagluluto ng Binakol, bukod sa manok ay maaaring gumamit din ng ibang karne o alternatibong laman gaya ng tahong, hipon, halaan, alimasag at iba pa.”
Seafood Binakol
INGREDIENTS:
- 8 pcs hipon o sugpo
- 4 pcs alimasag (hatiin)
- Tahong
- Tulya (optional)
- 1 buong mais (ginadgad)
- 1 buko malaki (ihiwalay ang buko juice and kuhain ang meat)
- 1 green papaya (balatan at hiwain)
- Tanglad (optional)
- Dahon malunggay o dahon ng sili
- 4 butil ng bawang
- 1 sibuyas
- 1 thumb luya
- Paminta
- asin
- patis
Cooking Notes: You may alternatively use other seafoods available to your place such as squids or bangus belly. Instead of scraped corn, you may add slices of corn too for easy cooking process.
INSTRUCTIONS:
- Sa isang kawali, gisahin sa mantika ang bawang, sibuyas at luya. Ilang saglit pa at idagdag ang ginayat na mais at hiniwang papaya. Lutuin ng bahagya, at idagdag ang alimasag at buko juice. Timplahan ng konting patis. Idagdag din ang hipon, tulya at tahong.
- Takpan at pakuluin sa mahinang apoy ng 10 minuto. Kapag naluto, at saka naman idagdag ang buko meat at mga gulay. Pakuluan ng saglit, timplahan at patayin ang apoy. Maari na pong ihain. Enjoy!
YOU MAY ALSO CHECK OUR:
Credits: Jose Benigno Salvador and MLady Morena