Food Business · Homemade Ingredients · Lutong Bahay (Daily Menu) · Spread

Homemade Condensed Milk

Homemade Condensed Milk

Homemade Condensed Milk recipe na pwedeng i-negosyo sa bahay.

Alam mo ba na maari kang gumawa ng Homemade Condensed Milk sa iyong bahay? At hindi na kailangan pang bumili sa lata at mas makakatipid ka pa sa gastos if may time ka naman magluto.

Maari mo itong gamitin sa baking ingredients or sa pagawa ng Homemade Ice Cream. Happy cooking!

Homemade Condensed Milk

INGREDIENTS:

500 ml fresh Milk (preferably without fat)
1 cup Sugar
1 pinch Baking Soda (optional)

INSTRUCTIONS:

Ilagay sa isang malalim na sauce pan ang gatas at asukal.

Painitin gamit ang pinaka mahinang apoy, haluin hanggang matunaw ang sugar. Huwag lalakasan ang apoy at huwag hayaan kumulo.

Dapat ay mahinang mahina lamang ang apoy. Kapag sigurado ng natunaw na ang lahat ng asukal. Ay ilagay ang apoy sa mahina upang hayaan itong bahagyang kumulo (simmer only).

Palagian itong haluin para hindi dumikit sa loob ng 20 minuto.

Huwag lulubayan ng pagbantay at halo ang sauce pan, dahil maaring umapaw ang gatas habang niluluto. Haluin ng haluin upang hindi mamuo o mag-curdle ang gatas.

Haluin lamang ang gatas hangang sa lumapot ang sauce at magkaroon ng light cream color katulad ng condensed milk sa lata.

Maari ng patayin ang apoy. At saka lagyan ng isang kurot na baking soda (kaunting kaunti lamang). Haluin maigi, palamigin at isantabi.

Kapag malamig na ay maari na itong ilagay sa malinis at sterilized bottles at takpan maigi.

May masarap ka ng homemade condensed milk, masarap ipalaman sa tinapay or ihalo sa salad. Enjoy!

This recipe goes well with:

HOMEMADE ICE CREAM 4 IN 1 RECIPE

Thank you for dropping by our website! Please subscribe to our daily recipe notifications.

Don’t forget to Pin us to PINTEREST. You can comment your question there and we’ll be glad to answer your question or feedback about the recipe.

The star ratings are for those who tried to cook our recipe. Kindly rate back the recipe if you tried it and you’re satisfied.

Thanks a lot for supporting our website and help other friends discover great recipes.

Photo by @Yunyun416

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *