
Sampaloc Candy for Business, bulk recipe for 600 pieces candy. You can buy peeled sampaloc kipil in the market or palengke. Ito po yung binalatan na at per kilo tinitinda sa palengke. Samapaloc candy for business is an easy bulk recipe you can make at home and your kids can help in wrapping.
Sampaloc Candy for Business
INGREDIENTS:
- 1 kilo Kipil ng Sampaloc or walang balat (You can buy this in Palengke or market)
- 2 kilos brown sugar (darkest brown)
- 50 grams asin
- 250 grams All purpose flour
- 72 grams water (about 1/3 cup)
- ½ kilo white sugar (for coating only)
INSTRUCTIONS:
- Sa isang malaking bowl, pagsama-samahin ang harina, sampaloc at asukal.
- Himayin ang sampaloc, tangalin ang balat at ugat na hibla nito.
- Ihanda at magalagay ng white sugar sa isang tray na paglalagyan ng hinulmang sampaloc upang hindi magdikit dikit.
- Sa isang kawa, pagsamahin ang asin at tubig. Gumamit ng mahinang apoy. Isunod na ilagay ang sampaloc mixture. Huwag lulubayan ng halo upang hindi masunog at manikit sa kawa ang sampaloc.
- Kapag namumuo na at dumuidikit na ang mga Sampaloc sa iyong sandok ay maari ng alisin ito sa apoy (mga 30 minutes). Isalin ito sa tray naay asukal.
- Palamigin saglit, ngunit dapat ay mainit init pa upang hindi ka mahirapan ihugis ang mga sampaloc kung matagal na itong nahanginan.
Cooking Tips:
- Huwag kalimutan lagyan ng grease ang molder para hindi manikit ang sampaloc.
- Basain ang kamay tuwing kukuha ng imo-mold na sampaloc. Tanchahin maigi ang paglalagay ng tubig, unti unti lamang ang paglalagay ng tubig para sumakto ang tigas nito at hindi masyado malabsak.
- Pwede lagyan ng buto sa gitna ng molder para mas marami ang maibenta. Or pwede rin naman seedless ang iyong sampaloc candy pero mas kaunti ang dami ng magagawa.
Yield: 600 pcs.