Chicken Recipes · Lutong Bahay (Tagalog Version) · Mama's Recipes

Chicken Mushroom

Loading...

Chicken Mushroom Recipe Filipino Style

Super easy Chicken Mushroom recipe mga ka-mamas and for sure matutuwa na naman ang mga kids sa putaheng ito. Tipid sa budget, Filipino style at siguradong masisiyahan ang mga bata sa sarap ng Chicken mushroom!

Super creamy at light lamang sa panlasa at siguraduhing lagyan ng tinadtad na fresh herbs para mas mabango ang inyong ulam at amoy pa lamang ay nakakagutom na.

Maari mo rin itong gawin sauce sa pasta upang gawin Chicken Mushroom Carbonara Filipino Style. Yummy and pinoy na pinoy style cooking.

Tara at ating lutuin. Enjoy and Happy cooking po!

Chicken Mushroom
4.3 (85%) 4 votes

Chicken Mushroom Recipe

Ingredients:

  • 8 pcs chicken (1 kilo)
  • 4 kalamansi
  • 3 onions, minced
  • 2 garlic, minced
  • 1 laurel leaf
  • 4 tbsp butter
  • 4 tbsp soy sauce
  • 1 cup sliced mushroom
  • 1 cup water or chicken broth
  • 1 cup all purpose cream
  • Salt and pepper

Instructions:

1. I-marinate ang manok sa calamansi at asin sa loob ng isang oras. Isantabi muna upang manuot ang marinade sauce.

2. Sa isang kawali, lagyan ng konting mantika gamit ang mababang apoy.  Isangkutsa ang manok at itabi kapag kulay brown na

3. Sa parehong kawali igisa ang sibuyas, mushroom at bawang sa mantikilya

4. Palambutin at hintaying mag kulay brown ng kaunti.

5. Ibalik sa kawali ang manok at lagyan ng kaunting tubig, toyo at laurel

6. Pakuluin hanggang maluto at maging kaunti ang tubig.

7. Ilagay ang all purpose cream at timplahan ng asin at paminta.

8. Pwede ding lagyan ng tinadtad na kinchay.

Enjoy! Happy cooking!!

Try our newest recipe of:

ANISE PUTO RECIPE

Thank you for dropping by our website!

Do subscribe to our daily recipes by clicking Yes to “ALLOW NOTIFICATIONS” in the pop up Red Bell button.

Do you have any questions about this recipe? Do you have any concern about the ingredients, substitute or any cooking tips? Just comment below for any feedback. We’d love to know your thoughts.

Kindly rate back our recipes if you tried it and you’re satisfied. Thanks a lot for supporting our website.