Chicken Recipes · Filipino Recipe · Lutong Bahay (Daily Menu)

Crispy Fried Chicken (Tagalog Version)

Crispy Fried Chicken (Tagalog Version)

Ito ay ang napaka-simpleng luto ng fried chicken at tagalog version ang paraan sa pagluluto.  Masarap at malasa! Madali pong hanapin ang mga ingredients nito, at Filipino version kaya madaling sundan at unawain. Tara at magluto ng Crispy Fried Chicken (Tagalog Version). Happy cooking po!

Crispy Fried Chicken (Tagalog Version)

INGREDIENTS:

  • 1 kilogram chicken, serving size
  • 2 cups all-purpose flour, divided
  • 1 tablespoons garlic powder
  • 1 tablespoon paprika**
  • 1 teaspoon ground pepper, divided
  • 1-1/4 teaspoon chicken broth cube or powder
  • 2 eggs
  • 3/4 cups water
  • salt, to taste (adjust as needed because broth powder is already salty)
  • Oil for deep-fat frying

**Ang paprika ay maaring bilhin sa SM groceries sa may bandang condiments section kasama ng mga paminta, garlic powder at mga herbs katulad ng dahon ng laurel.

INSTRUCTIONS:

  1. Sa isang malaking mangkok, paghaluin ang 2 cups ng arina, garlic salt, paprika, pepper at chicken powder. I-roll ang manok sa manipis na arina. Isantabi ang natirang arina
  2. Sa isang mangkok, batihin ang itlog, lagyan ng asin, paminta at natitirang arina at tubig upang makagawa ng batter. (3/4 cups water + 1-1/2 harina para sa ratio ng batter)
  3. Ilubog ang manok sa nagawang batter at pagkatapos ay ilubog ang manok upang ma coat (mga 1-2 piraso at a time). 
  4. Sa isang kawali na maraming mainit na mantika, i-prito ninyo ang manok mga 1-2 pieces hanggang mag golden brown.
  5. I-transfer sa lalagyan na may paper liner upang matangal ang sobrang mantika. Serve hot and enjoy!

DARK MEAT:
leg part = 15 mins
thigh = 12 minutes

WHITE MEAT:
wings = 11 minutes
breast = 11 minutes

YOU MAY ALSO TRY OUR: