Chicken Recipes · Filipino Recipe · Lutong Bahay (Daily Menu)

Crispy Fried Chicken (Tagalog Version)

Loading...

Crispy Fried Chicken (Tagalog Version)

Ito ay ang napaka-simpleng luto ng fried chicken at tagalog version ang paraan sa pagluluto.  Masarap at malasa! Madali pong hanapin ang mga ingredients nito, at Filipino version kaya madaling sundan at unawain. Tara at magluto ng Crispy Fried Chicken (Tagalog Version). Happy cooking po!

Crispy Fried Chicken (Tagalog Version)

INGREDIENTS:

  • 4 cups all-purpose flour, divided
  • 2 tablespoons garlic salt (or garlic powder)
  • 1 tablespoon paprika**
  • 3 teaspoons pepper, divided
  • 2-1/2 teaspoons  chicken broth cube or powder
  • 2 eggs
  • 3/4 cups water
  • 1 teaspoon salt
  • 1.8 kilograms chickens (3-1/2 to 4 pounds each), cut up
  • Oil for deep-fat frying

**Ang paprika ay maaring bilhin sa SM groceries sa may bandang condiments section kasama ng mga paminta, garlic powder at mga herbs katulad ng dahon ng laurel.

INSTRUCTIONS:

1) Sa isang recycled ice cream container (or resealable plastic bag) paghaluin ang 2 cups ng arina, garlic salt, paprika, pepper at chicken powder. Isantabi muna.
2) Sa isang mangkok, batihin ang itlog at tubig, lagyan ng asin, paminta at natitirang arina upang makagawa ng batter.
3) Ilubog ang manok sa egg mixture o batter at pagkatapos ilagay sa container na may harina ang manok (mga 2-3 piraso at a time). Isara ang container at alug alugin hanggang matakpan ang manok ng arina.
4) Sa isang kawali na maraming mainit na mantika, i-prito ninyo ang manok mga 2-3 pieces hanggang mag golden brown.
5) I-transfer sa lalagyan na may paper liner upang matangal ang sobrang mantika. Serve hot and enjoy!

DARK MEAT:
leg part = 15 mins
thigh = 12 minutes

WHITE MEAT:
wings = 11 minutes
breast = 11 minutes

  •  
    103
    Shares
  •  
  • 103
  •  
  •  
  •  
  •  
  •