Loading...
Loading...
Loading...
Pansit Puti
Sangkap sa pansahog na karne
- – 800 grams o isang buong manok
- – 200 grams na baboy (kasim)
- – 100 grams na atay ng baboy
- – 8 tasang tubig
- – 2 sibuyas, hiniwa sa apat
- – 1 pirasong carrots, hiniwa ng malalaki
- – 5 pirasong tuyong shitake mushroom
- – 1 tangkay ng celery, ihiwalay ang dahon
- – asin
- – paminta
Paraan ng pagluluto:
Pakuluan ang manok, baboy, carrots, mushroom at celery hanggang lumambot. (1 oras)
Kapag malambot na ang manok , palamigin at himayin
Hiwain ng maninipis ang napakuluang karne at atay ng baboy at mushroom.
Salain at itabi ang stock para pansabaw sa pansit.
Pansit Puti Sangkap:
- – 4 na butil ng bawang, tinadtad
- -1 katamtamang sibuyas, hiniwa ng maninipis
- -2 kutsarang mantika
- -2 pirasong chorizo macau, hiniwang maninipis
- – mushroom
- – baboy
- – atay
- – 5 tasang stock
- – 1 tasa ng ginayat na celery
- – 500 grams na bihon o sotanghon
- – patis
- – paminta
- – 2 nilagang itlog, hiniwa sa apat
- – dahon ng celery, hiniwang maninipis
Paraan ng pagluluto:
Igisa ang bawang, sibuyas, chorizo , mushroom, kasama ang mga karne at gulay.
Lagyan ng stock at timplahan ng patis at paminta.
Kapag kumulo na ito, ilagay ang bihon o sotanghon.
Lutuin ito hanggang sa lumambot at matuyo ng kaunti ang sabaw.
Ihain at palamutian ng hiniwang itlog at celery. Pwede din lagyan ng tustadong bawang.