Seafood

Cheesy Shrimp

Loading...
Cheesy Shrimp
Rate this Recipe

Cheesy Shrimp by liezl

Subukan ang masarap na suaheng hipon na niluto sa butter at sinamahan ng maraming keso. Buttery creamy sa sarap at lasa, mapapadagdag ka ng maraming kanin sa linamnam. Paborito talaga ng kids sa sarap. Yummm..

Ingredients for Cheesy Shrimp:
1 kilo suaheng hipon
2 kutsara butter
1 butil bawang (tadtarin)
1 piraso sibuyas (hiwain ng pino)
1 tasa banana catsup
1 tasa keso (ginadgad)
Chili sauce (bawasan kung isislbi sa mga bata)
Asin
Paminta

 

Mama’s Guide Instructions:
Painitan ang kawali bago ilagay ang hipon. Asinan at takpan hanggang sa pumula ng husto ang hipon. Hanguin at itabi.

Igisa ang bawang at sibuyas sa butter bago isangkutsa ang hipon. Timplahan ng asin at paminta.

Lagyan ng banana catsup at ginadgad na keso.
Haluin hanggang lumapot ang sarsa at kumulo. Lagyang muli ng keso sa ibabaw kapag ihahain na. Maari ng ihain at pagsaluhan ng pamilya. Enjoy!

 

Source:

My Recipe

Photo Courtesy