Filipino Native Food · Holiday Recipes · Lutong Bahay (Tagalog Version) · Pork Recipes

Hamonadong Liempo ng Bulacan

Loading...

Isa na naman napaka sarap na version ng hamon, Hamonado Liempo ng Bulacan. Malinamnam at malasa sa marinating sauce. I-marinate ng mahabang oras upang manuot ang sarap ng timpla sa liempo. Winner sa buong pamilya! Happy cooking mga ka-mama’s. Enjoy!

Hamonadong Liempo ng Bulacan

Ingredients:

1 kilo pork liempo
4 kutsarang granulated sugar
2 kutsarang pinong asin
2 kutsarang sukang bulacan
2 tasang pineapple juice
2 kutsarang brown sugar
1 tasang beer

Hamonadong Liempo ng Bulacan
Hamonadong Liempo ng Bulacan

Mama’s Guide Instructions:

Tanggalin ang balat ng liempo, hugasan ito at patuyuin saka itabi.

Paghalu-haluin ang asukal, suka, asin saka unti-unting ipahid sa liempo.

Tusok-tusukin ang liempo para manuot sa loob ng karne ang mga sangkap saka ito ilagay sa refrigerator sa loob ng tatlong araw.

Bago lutuin, muling hugasan ang liempo.

Isalang ito sa apoy kasama ang mga sangkap na pineapple juice, brown sugar, at beer. Hintaying lumapot ang sauce at lumambot ang karne.

Hanguin ito mula sa sarsa. Bago ito ihain, budburan ito ng puting asukal at saka plantsahin gamit ang nagbabagang siyanse para mabalot ang hamon sa caramelized sugar. Maari din gumamit ng torch na may apoy.

This recipe goes well with:

Homemade Lumpiang Sariwa, Lumpia Wrapper and Special Lumpia Sauce

Thank you for dropping by our website!

Do subscribe to our daily recipes and “ALLOW NOTIFICATIONS”.

Do you have any questions about this recipe? Do you have any concern about the ingredients, substitute or any cooking tips? Just comment on our Pinterest post.

Kindly rate back our recipes if you tried it and you’re satisfied. Thanks a lot for supporting our website.

Source:
Chef Thess B. Espiritu
Photo by @paulagorgeous11219