Ice Candy

Coffee Jelly Ice Candy (Ice cream Smooth)

Coffee Jelly Ice Candy - Ice cream Smooth
Credits @RoWena
Napakasarap na Coffee Jelly Ice Candy na ang texture ay parang Ice cream sa smooth! Eto na ang iyong hinahanap  na recipe. Ito ay ginamitan ng Cassava flour para masarap kagatin kahit frozen ang Coffee Jelly Ice Candy. Creamy, ma-jelly and smooth kapag kinagat!
Swak na swak na negosyo sa hot summer days. Maari din tumulong ang mga kids habang walang pasok para maging productive and summer vacation. Siguradong patok itong ice cream smooth Coffee Jelly Ice Candy!

Yield: 128 pcs (2oz per Ice candy)

Coffee Jelly Ice Candy (Ice cream Smooth) 

INGREDIENTS:

2 packs black gulaman powder, unflavored
25 grams nescafe
1 big Angel Kremdensada
1 big Evap
1/4 Sugar
2.6 Liters Water

1 1/2 cup ng cassava flour (kanawin sa 600ml water)

Note: Kung gusto ng mas ma krema na coffee jelly or special version, maari mo rin itong lagyan ng All purpose cream at ipalit sa evaporated milk.

INSTRUCTIONS:
1. Lutuin ang black gulaman ng naayon sa instructions na binigay sa pakete. Bawasan lamang ito ng kaunting tubig para hindi sobrang lambot ng gulaman.

2. After maluto ang gulaman, palamigin at hiwain ng maliliit at pakudwadro.

3. Lutuin naman yung cassava flour. Magpakulo ng 2.6 liters ng water. While waiting, kanawin muna ang 1 1/2 cup ng cassava flour sa 600ml na water. Pag kumulo na,dahan dahang ibuhos yung kinanaw na cassava flour habang hinahalo. (Medyo nakakangalay kaya humanap ng ka relyebo sa paghahalo) Haluin lang ng haluin hanggang mangalay at maluto si flour.

4. Pag okay na, isalin sa isang lalagyan na malinis. Pwedeng timba or palanggana. Basta dapat medyo malaki.

5. Pagkatapos, ay ihalo lamang ang lahat ng ingredients. I-adjust ang paglalagay ng kape at asukal sa iyong nais.

6. Ready na po sya ilagay sa ice candy plastic. Palamigin at ichill ng ilang oras.

 

You may also try our:

Mango Graham Ice Candy