Lutong Bahay (Daily Menu) · Seafood · Shrimps

Beer Battered Coconut Shrimp

Beer Battered Coconut Shrimp

Ang Beer Battered Coconut Shrimp ay sikat at masarap na appetizer sa ibang bansa katulad ng Florida, US kung saan common at maraming seafood restaurants sa paligid ng siyudad. Ang version ng lutong ito ay may dalawang variation. Isang deep fried at ang isa naman ay ginagamitan ng coconut milk.

Pero ang recipe na inilathala dito ay ang version ng prito. Masarap, malasa at malutong! Tara at lutuin po natin ang Beer Battered Coconut Shrimp. Ang masarap na dipping sauce na pwedeng ihain ay sweet chili sauce. Pero ikaw na po ang bahala kung anu ang swak sa iyong panlasa.

Beer Battered Coconut Shrimp

INGREDIENTS:

  • 1 itlog
  • 1/2 tasa harina (all-purpose flour)
  • 2/3 tasa beer
  • 1 1/2 kutsarita ng baking powder
  • 1/4 tasa all-purpose flour
  • 2 tasa kinayod na niyog (coconut flakes)
  • 24 piraso ng hipon
  • 3 tasa ng mantika pang-prito

INSTRUCTIONS:

  1. Pagsamahin ang mga sumunod na sangkap sa isang mangkok: itlog, 1/2 cup flour, beer and baking powder. Haluin maigi at isantabi muna.
  2. Kumuha ng dalawang mangkok, magkahiwalay na ilagay ang 1/4 cup flour at kinayod na niyog sa dalawang mangkok. Isantabi muna.
  3. Ihanda na ang mga hipon na babalutin ng harina at batter.
  4. Kumuha ng isang hipon at hawakan ito sa buntot at saka ilublub sa harina, itaktak ng bahagya upang maalis ang sobrang harina na kumapit sa hipon. At kapag nabalutan na ng harina ay saka naman isawsaw ito sa itlog at beer batter sa isang mangkok. Patuluin ang sobrang batter na kumapit. At sa pangatlong coating ay igulong ang shrimp sa kinayod na niyog (coconut flakes.)
  5. Ang coating ng bawat hipon ay harina + itlog beer mixture + coconut flakes.
  6. Ilagay sa baking tray na may paper liner ang bawat hipon na nabalutan ng coconut flakes or niyog. At ilagay muna ito sa refrigerator sa loob ng 30 minutes upang lumamig ng bahagya. Pinapalamig ito upang maging crispy kapag nilublub sa mantika.
  7. Maari mo ng ihanda ang pagpiprituhan or deep fryer. Painitin ang mantika sa temperatura ng 350°F (175°C). Kapag mainit na ang mantika ay maari mo ng ilubog ang bawat hipon at lutuin ito sa loob ng 2 hangang 3 minuto. Prituhin hangang maging golden brown ang hitsura.
  8. Mag prito lamang ng tamang dami upang hindi mag over crowd at mabilis maluto ang hipon. At gumamit ng thong upang tangalin sa mainit na mantika ang hipon. Ilagay sa paper towels upang maalis ang sobrang mantika.
  9. Maari ng ihain ang mga hipon kasama ng iyong favorite dipping sauce katulad ng sweet chili sauce. Enjoy!

YOU MAY ALSO TRY OUR:

CreditsCredits1