Lutong Bahay (Daily Menu) · Pasta & Pancit

Tuna Spaghetti

Loading...
Tuna Spaghetti
Tuna Spaghetti
Masarap na Tuna Spaghetti at all natural ingredients, hindi na kailangan ng instant tomato sauce. Napakadaling lutuin, at swak na swak sa budget.  Kung walang basil herbs, ay huwag na po itong lagyan, optional lamang para mas sumarap pa ang spaghetti at mas mabango kung may herbs.

Tuna Spaghetti Recipe

INGREDIENTS:
400g pasta
2 cans tuna flakes in oil, tangalin ang oil
3 butil ng tinadtad na bawang
10 pirasong pulang kamatis, chopped
Kurot ng Asin
Kurot ng Paminta
1/2 cup Cheese, grated
1 tsp fresh/dried Basil, minced (optional garnish)
Cooking oil

INSTRUCTIONS:
1. Pakuluan ang pasta sa tubig na nilagyan ng mantika at konting asin. Sundan ang instructions sa pakete.
2. For the Sauce: Sa hiwalay na kawali, igisa ang bawang at kamatis hanggang bumango at madurog ang kamatis. I-press ng syanse upang bahagyang madurog ang mga kamatis. 
3. Idagdag ang tuna sa ginisang bawang at kamatis (hindi kasama ang oil/tuna water) at hayaang kumulo sa loob ng 3 minuto saka timplahan ng asin at paminta
4. Lagyan ng keso saka muling lutuin sa loob ng dalawang minuto
5. Sa isang pinggan ay ilagay ang pasta at lagyan ng ginawang sauce
6. Lagyan ng ginadgad na keso sa ibabaw at budburan ng basil saka ihain. Happy cooking and enjoy!

 

You may also try our:

Cream Cheese Leche Flan (Steamed)

Credits1Credits2 Credits3

Thanks for dropping by our website! Did you try cooking one of our recipe? Send us your food photo or feedback. If we love it, we will feature it with your name on our website. Send it to us via email: mammasguide@gmail.com or message us on our Facebook Page.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •