Breakfast · Pancakes

Red Velvet Pancakes

Red Velvet Pancakes
Credits @tay.tastic

Roll out the red carpet. its a special day with these Red Velvet Pancakes. What a great day to start the day with these creamy pancakes. These red velvet pancakes turned into a cake with cream cheese frosting. They are so good! Breakfast, snack time or desserts, surely its an all day hit.

Red Velvet Pancakes Recipe

INGREDIENTS:

  • For Pancakes:
  • 1 tasang all purpose flour
  • 1/2 tasang asukal
  • 3 kutsarang cocoa powder
  • 1/2 kutsaritang baking powder
  • 1/2 kutsaritang baking soda
  • 1/2 kutsaritang asin
  • 1 tasang gatas
  • 1 itlog
  • 1 kutsarang pulang food color
  • For Cream cheese Filling:
  • 1/2 tasang cream cheese (pinalambot sa room temperature)
  • 1/4 tasang mantikilya (pinalambot sa room temperature)
  • 1/2 tasang asukal
  • 2 kutsarang gatas
  • 1 kutsarita ng vanilla extract
  • 1/2 kutsaritang asin

INSTRUCTIONS:

  1. For Cream cheese filling: Sa isang mixing bowl, paghaluin maigi ang softened or lumambot na cream cheese at butter. Gumamit ng electric hand beater para maging smooth at malapot ang consistency.
  2. Ihalo ang iba pang sangkap hanggang maging pino ang palaman.
  3. Ilagay sa refrigerator para palamigin.
  4. For Pancakes: Sa isang bowl, paghaluin ang all purpose flour, asukal, cocoa powder, baking powder, baking soda, asin at pulang food color.
  5. Sa isa pang bowl, paghaluin ang gatas at itlog.
  6. Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap sa isang bowl.
  7. Gumamit ng non stick pan, pahiran ng kaunting oil at apuyan sa pinaka-mababang apoy. Magsalok ng isang sandok or ibuhos ang kaunting pancake mixture sa gitna ng pan.
  8. Takpan at hayaan maluto ng ilang segundo lamang, kapag may bula bula na. Dahan dahan i-angat ang mga gilid nito at saka baligtarin ng luto. Ulitin lamang hanggang mailuto lahat ng pancakes.
  9. Hayaan lumamig ng konti at saka lagyan ng cream cheese filling ang bawat layer. Maari rin itong lagyan ng garnish katulad ng fresh sliced fruits katulad ng strawberries, peaches, mangoes or cherries. Mas masarap ito sa kapartner na Hot chocolate drink or kape. Tara kain po tayo.
  10. Serve and enjoy!

YOU MAY ALSO TRY OUR:

Eggs Benedict Recipe

CreditsCredits