Filipino Native Food · Filipino Recipe · Food Business · Food Negosyo Ideas · Lutong Bahay (Daily Menu) · Side Dish

Sinantolan

Sinantolan
Sinantolan

Ang Sinantolan ay isa sa mga delicacy ng Nagcarlan, Laguna at ng mga Bicolano. Napakasarap na side dish or appetizer sa kahit na anung ulam. Pwede rin itong ibote at itinda pang negosyo.

Marami bang Santol fruits sa inyong lugar? Tara at magluto po tayo ng Sinantolan! Pagkasarap sarap..

Sinantolan

Ingredients:

1 kilo balat ng santol (ginadgad)
1/4 kilo ng baboy (liempo)
1 tasa ng bagoong (alamang)
1 piraso ng sibuyas (tinadtad)
1 kutsara ng bawang (tinadtad)
1 kutsara ng luya (hiwain ng maninipis)
3 piraso ng siling labuyo
2 tasa ng coconut cream
3 tasa ng kakang gata (coconut milk)
1 kutsara ng mantika

Instructions:

1. Balatan at hugasan mabuti ang santol. Tangalin ang buto at gadgarin.
2. Budburan ng asin ang ginadgad na santol, hugasan at pigain.
3. Sa isang kawali, igisa ang sibuyas, luya, bawang, at baboy. Isangkutsa ng mabuti.
4. Ihalo ang santol, bagoong alamang, coconut milk; haluin mabuti at hayaang kumulo ng 5 minuto
5. Ilagay ang kakang gata at hayaang magmantika; haluing mabuti. Patayin ang apoy at maari ng ihain.

Happy cooking and Enjoy!

Sinantolan ng Nagcarlan, Laguna

You may also try our:

Heavenly Mango Tapioca Recipe

Credits: Gma Network, @102sunkissedtreat, @iamskingoddessfirst

Did you try cooking this recipe? Send us your food photo. If we love it, we will feature it with your name on our website. Send it to us via email: mammasguide@gmail.com or message us on our Facebook Page.

You may also post it in your own timeline publicly: Instagram, Facebook and Twitter and hashtag us #MamasGuideRecipes. Thanks a lot for supporting our website and help other friends discover great recipes.