Fish · Lutong Bahay (Daily Menu)

Fish Menudo Recipe

Fish Menudo Recipe
Credits _cathysworld_
Miss mo na bang kumain ng Menudo, pero for some reason ay hindi puwede? Maari din naman magluto ng menudo gamit ang ibang putahe ng laman. Masarap at malinamnam na fish fillet ang gamitin.
Subukan ang napakasarap na version ng lutong bahay na Menudo fish version. Masarap po siya gamit ang fish fillet or steak. Eto po yung isda na wala ng tinik at balat. Frozen fish at ready to cook na siya. Maari mo din itong dagdagan ng fried tokwa cubes para mas masarap!

Fish Menudo Recipe

INGREDIENTS:

  • ¼ tasang harina
  • ¼ tasang cornstarch
  • 500g fish steak or fillet, (tuna or white fish)
  • Mantika
  • 8 butil ng bawang, chopped
  • 1 sibuyas, chopped
  • 2 kamatis, chopped
  • 1 patatas, cubed
  • 1 carrots, cubed
  • 2 tasang tubig
  • 1 kutsara tomato paste
  • 2 kutsara toyo
  • 2 kutsara live spread
  • 1 kutsara asukal
  • Keso, ginadgad
  • 1 red bell pepper
  • 1 green bell pepper
  • 50 grams green peas (or 1 small can)
  • 2 dahon ng laurel

INSTRUCTIONS:

  1. Paghaluin ang harina at cornstarch.
  2. Ilagay ang fish fillet.
  3. Haluin hanggang sa malagyan ng harina at cornstarch mixture ang isda.
  4. Iprito sa mainit na mantika hanggang sa mag golden brown. Palamigin at hiwain ng pa cube.
  5. Igisa sa kaunting mantika ang bawang, sibuyas at kamatis.
  6. Ihalo ang carrots at patatas.
  7. Lagyan ng tubig or broth
  8. Ilagay na rin ang tomato paste, toyo, at liver spread.
  9. Timplahan ng konting asukal at paminta.
  10. Pakuluin hanggang sa maluto ng bahagya ang carrots at patatas. Ilagay ang dahon ng laurel.
  11. Ilagay na rin ang piniritong fish fillet. At ilagay ang ginadgad na keso at haluing mabuti.
  12. Isunod na ilagay ang bellpepper at green peas.
  13. Hinaan ang apoy, at lutuin pa ng ilang minuto hangang sa maluto.
  14. Patayin ang apoy. Maari ng ihain. Enjoy!

YOU MAY ALSO TRY OUR:

Credits _cathysworld_