Breakfast · Food Business · Food Negosyo Ideas · Merienda

Pinoy Hotdog Waffles

Pinoy Hotdog Waffles
Pinoy Hotdog Waffles

Ang Pinoy Hotdog Waffles ay isa sa mga favorite pinoy merienda. At dahil marami ng nagtitinda ng waffle maker. Maari mo ng bilhin ang lutuan ng waffle sa pinaka malapit na mall sa inyong lugar or pwede mo rin itong orderin sa Lazada, ito ay nagkakahalaga ng 700 pesos. At pwede ka ng magorder online na sariling waffle maker at cash on delivery pa. 

Samantala, sundan ang procedure kung paano lutuin ang Waffle Hotdogs gamit ang waffle maker. (Updated March 2023).

Pinoy Hotdog Waffles Recipe

Yield: 15 pieces (small)

  • 2 cups all purpose flour
  • 1 tablespoon white sugar
  • 1 egg
  • 2 tablespoon oil
  • 3/4 cups water (I used dry cup for measuring water) or 170ml
  • 1 teaspoon of salt
  • 2 teaspoon baking powder
  • 1 teaspoon vanilla flavoring 
  • Filling: Hotdog, slice in half preferrably or Cheese
  • Equipments needed:
  • Waffle Maker

INSTRUCTIONS:

  1. (Flour mixture/Dry Ingredients)
    In a large bowl, pagsamahin ang flour, salt and baking powder
    , sa strainer.
  2. Paghaluin ang lahat ng wet at dry ingredients. Haluin maigi hangang sa lumapot at maging smooth.
  3. Kung maari ay gumamit ng hand mixer (optional lamang), kung walang mixer ay maaring gumamit lamang ng spatula at ifold hangang sa magcombine lahat at wala nv buo buo. Paalala huwag pasobrahan ng halo para d maging matigas ang waffle.
  4. Habang hinahalo ang mixture, maari na rin ihanda ang waffle maker at i-preheat ito or painitin na. Pahiran muna ng konting oil ang mag-kabilang molder
  5. Kapag smooth na ang ginawang mixture, malapot pero hindi tuyo pero hindi rin malabnaw (katulad ng nasa larawan ng recipe)
  6. Gumamit ng kutsara at lagyan ng kalahati ang bawat slot ng waffle molder. Ilagay ang hiniwang hotdog sa ibabaw. At lagyan muli ng konting mixture para matakpan ang ibabaw ng hotdog.
  7. Maari mo ng ibaba ang takip ng waffle maker upang matakpan at maluto ang ibabaw. Hindi na po ito kailangang baligtarin pa, dahil pantay na ang pagkakaluto sa waffle maker.
  8. Lutuin ito sa loob ng 2 hangang 3 minuto, hanggang sa maging kulay light brown. Sundan lamang ang ilaw or procedure ng waffle maker
  9. Karaniwan sa mga waffle maker ngaun ay may signal light kung luto na ang waffle. Pero kung walang ganun na feature ang iyong waffle maker, ay dapat mong tignan kada 3 minuto or bantayan ang pagluluto para hindi ito matusta or ma-over cooked ang iyong mga waffles.
  10. Maari mo rin tusuking ng stick ang mga hotdog fillings bago ito ilagay sa waffle molder. Or lagyan ng sticks pagkatapos maluto.
  11. Serve and enjoy!

You may also try our Taisan Cake Recipe:

Credits: @Gie EN, Maya’s Kitchen, J’s Kitchen