Filipino Recipe · Holiday Recipes · Lutong Bahay (Daily Menu) · Pork Recipes

Crispy Pata Kare-Kare

Crispy Pata Kare-Kare
Credits @akoitosialvin

Crispy Pata Kare-Kare

INGREDIENTS:

  • 3 kilo (pata)
  • 1½ tasa durog na mani
  • ½ tasa peanut butter
  • 4 medium talong, hiniwa
  • 2 kutsarita patis
  • 1 tali ng pechay (1/4 kg)
  • 1/4 kg sitaw pahaba ang hiwa
  • 1 piraso ng sibuyas (chopped)
  • 5 butil ng bawang, durog
  • 1 kutsara annatto powder o atsuete
  • 3 tablespoons cooking oil
  • 1/4 kutsarita paminta durog
  • 1/2 tasa Bagoong alamang (bagoong)
  • 4 cup ng tubig

INSTRUCTIONS:

  1. Para sa Crispy Pata: Sa isang kaldero, palambutin ang pata sa tubig na may asin, pamintang buo, sibuyas at laurel. Siguruhing nakalubog ang pata sa tubig.
  2. Samantala, magpakulo ng mantika sa isa pang kaldero at i-deep fry dito ang pinakuluang pata.
  3. Wisikan ng tubig para pumutok-puto ang balat ng baboy. Tangalin sa mantika kapag super crispy na.
  4. Para sa Kare-kare sauce: Igisa ang bawang at sibuyas. Maglagay ng 2 baso ng pinagpakuluan ng pata at 1 basong tubig. Pakuluan.
  5. Matapos pakuluan, ilagay ang talong, sitaw, pechay,
  6. Idagdag ang durog na mani, peanut butter at atsuete. Haluin at timplahan ng patis.
  7. Tanggalin ang gulay kapag luto na para hindi malabog
  8. Halu-haluin hanggang lumapot ang sarsa at magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
  9. Kapag nasa tama na ang lapot ng sarsa, ibuhos ito sa crispy pata. At isaayos ang mga lutong gulay.
  10. Maari ng ihain kasama ang ginisang bagoong alamang.
  11. Serve and Enjoy!

YOU MAY ALSO TRY OUR:

Inihaw na Pusit (Binusog)

CreditsCredits1