Fish · Lutong Bahay (Daily Menu)

Plapla Escabeche

PLAPLA ESCABECHE

Subukan ang napakasarap na pritong tilapia or plapla na iniscabeche. I-prito muna at saka ihain with sauce on top kapag kakain na para crispy pa rin ang isda. Super sarap nito!

Plapla Escabeche

INGREDIENTS:

  • 1/2 kg plapla (1 large fish)
  • 1/4 tasa toyo
  • 2 kutsara suka
  • 2-3 kutsara pineapple tidbits
  • 2 kutsara asukal
  • 1-2 piraso red bell pepper
  • 1 piraso puting sibuyas
  • 1 kutsarita bawang
  • 1 piraso carrot
  • 1/2 kutsarita luya
  • asin at paminta

INSTRUCTIONS:

  1. Lagyan ng asin ang isda at i-prito hanggang maging golden brown
  2. Sa isang mangkok, paghalu-haluhin ang toyo, suka, pineapple tidbits, asin at paminta
  3. Igisa ang sibuyas, bawang at luya
  4.  Idagdag ang carrots at bell pepper, igisa hanggang sa maluto ang carrots at bell pepper
  5. Ihalo ang sauce at ang isda sa ginisang gulay at pakuluin sa loob ng limang minuto. Kung ito ay hindi pa ihahain agad. Ihiwalay muna ang sauce at saka ilagay kapag kainan na para manatiling crispy ang plapla.

YOU MAY ALSO TRY OUR: