Filipino Recipe · Food Business · Lutong Bahay (Daily Menu) · Pork Recipes · Processed Meat

Homemade Pork Tapa

Homemade Pork Tapa

Paano nga ba mas mapapasarap pa ang paggawa ng pork tapa? Nasa timplado po ito ng marinate, maari ka ring magdagdag ng 1 tbsp oyster sauce. Or maari ka rin gumamit ng 1 cup coke na pandagdag sa marinate. Ito po ay nakakatulong magtenderize ng meat ng pork.

Homemade Pork Tapa

INGREDIENTS:

  • 500 grams pork tenderloin thinly slice
  • 1/2 cup soy sauce
  • 1/4 cup white vinegar
  • 2 tbsp brown sugar
  • Garlic (depende sa dami gusto)
  • Ground pepper
  • 1/2 cup coke, optional
  • Plastic container/clear plastic (ziplock)

INSTRUCTIONS:

  1. Using a kitchen hammer or maari din gumamit ng almeres sa pangpalo ng karne, lagyan lamang ito ng plastic sa ibabaw, pitpitin ang pork tenderloin upang maging mas lalong manipis ang hibla nito.
  2. Pagsamahin ang mga sangkap ng pork, soysauce, white vinegar, brown sugar, garlic, ground papper at coke. Haluin ng mabuti.
  3. Ilagay sa plastic container o sa clear plastic (ziplock) or airtight container.
  4. I-marinate ng buong araw at ilagay sa ref or chiller.
  5. Kapag namarinate na ito ng sapat na oras, mas magiging malasa na po ang karne ng iyong tapa. Maari mo na po itong iimbak ng matagal sa freezer at siguraduhin itago sa airtight container.
  6. Maari itong magtagal ng 1 month if frozen. Ngunit kapag na thaw na ito, ay hindi na pwede ibalik pa sa freezer. Kaya mas maiging hatiin ito sa magkakahiwalay na serving size or sapat na portion na gusto mong iluto tuwing mag-thaw ka ng tapa.
  7. Maari na po ito iluto or iprito hangang sa maluto. Happy cooking!

YOU MAY ALSO TRY OUR:

HOMEMADE ATCHARA

Credits