Budget Meal · Lutong Bahay (Daily Menu) · Vegetables

AMPALAYA CON TOKWA

Loading...
Ampalaya Con Tokwa
Credits Jackie Mamangon
Budget-friendly na ulam pero masarap at masustansya para sa buong pamilya. Ampalaya with Tokwa or Tofu. Ang sarap po nito with oyster sauce. Happy cooking and enjoy!

Ampalaya Con Tokwa

Tips: ibabad sa tubig na may asin ang ampalaya para mabawasan ang pait. Hugasan. Pigain at idrain bago isahog sa niluluto.

AMPALAYA CON TOKWA

MGA SANGKAP:

1 pc. Large Ampalaya (alisin ang buto at hiwain at ayon sa nais na kapal)
250 grams Tokwa (cubed)
3 Eggs beaten
1/4 cup Mama Sita’s Oyster Sauce
5 cloves Minced garlic
1 large White Onion sliced
2 pcs tomatoes, sliced
salt and pepper to taste
Patis (pampasarap)
cooking oil, for frying

PARAAN NG PAGLULUTO:

1.  I-prito ang tokwa sa mainit na nonstick pan, hanggang sa maging golden brown. Tanggalin sa mantika at isalin sa plato na may paper towels. 
2. Gamit ang same pan, painitin ang konting mantika. 
3. Igisa ang sibuyas, bawang at kamatis hanggang sa bumango ang mga ito. 
4. At saka naman ilagay ang mga hiniwang ampalaya. Timplahan ng konting asin, paminta at lagyan ito ng 1/2 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang gulay ng ilang minuto ngunit huwag itong hayaan masobrahan sa luto.
5. Kapag malapit ng maluto ang gulay, ay ibuhos na ang oyster sauce at pritong tokwa.
6. I-toss ng bahagya upang ma-coat ng sauce ang mga sangkap.
7. At saka naman ibuhos ang binating itlog at hayaan ng ilang segundo upang maluto. Halu-haluin maigi para maging strips ang nalutong itlog.
8. Timplahan ng patis upang mas lumasa. Tikman kung masarap na. Ready na po itong ihain. Enjoy!

You may also try our:

Veggie Balls (Pinoy Street food)

Credits