Kitchen Tips

Bakit Failed ang iyong Puto Flan

Loading...

Why Your Leche Puto or Puto Flan Failed? Experts Advise plus question and answer tips. All in Filipino language. Once you read all these tips, Im sure you’re ready for the next challenge. Try out are fail proof recipe of Puto Flan

 

Bakit Failed ang iyong Puto Flan?

Question: Bakit po hindi dumikit ung leche flan sa puto?

ANSWER:

Siguraduhing hindi na mainit ang mga puto flan bago alisin sa puto molder. Hayaan muna itong mag cool down pagkatapos maluto. Bago naman alisin sa mold ang putoflan palamigin muna.

Bakit Failed ang iyong Leche Puto
Photo by Betty Jane Bentulan

Iwasan din matubigan ang ibabaw ng flan habang pinauusukan sa steam, sa pamamagitan ng paglalagay ng katsa sa ibabaw ng kaldero ng steamer bago ito lagyan ng takip.

 

Pagkaluto ng flan, kailangang palamigin ito, at kung may tubig maaaring dampian lamang ng paper towel bago ilagay ang puto mixture.


Sa paghahanda ng steamer: Siguraduhing pinakuluan muna ang tubig sa steamer bago ilagay ang leche flan. Katulad sa pagbe-bake ay dapat pre heated ang oven. Ganun din pag ilalagay na ang Puto dapat pre heated din ang steamer. Mas mainam kung kumukulo na ang tubig sa steamer bago isalang ang mga puto dahil mailalagay mo na ito sa mababang antas ng apoy.


Question: Bakit ang hirap alisin ng puto flan, sa hulmahan pagkatapos nitong maluto.


ANSWER: nakalimutan lagyan ng tinunaw na margarine ang lalagyan or molder. Siguraduhing nalagyan ng grease ang hulmahan ng puto bago ito lagyan ng mixture para hindi dumikit ang puto.

Photo by Winston Garce Briz


Question: Bakit po yung flan, hindi umalsa at nag butas butas po ang texture ng puto.


ANSWER: Pasingawan ang flan sa pinaka-mababang antas ng apoy. Normal lamang na hindi aalsa ang flan, ngunit iwasan itong ma overcook.

 

Mga Dapat Alalahanin:

1. Salain muna ang dry ingredients ng puto. Idagdag ang wet ingredients at pagsamahin gamit ang “cut and fold technique”. Muling salain. Do not overmix. Do not overbeat. Mayroong mga hangin in between the mixture na maaring mawala kapag mali ang paghahalo at nasobrahan sa halo ang iyong mixture.

2. Upang alisin ang puto flan sa molder, padaan ang manipis na kutsilyo sa gilid lamang ng puto layer. At saka baligtarin ang molder at itaktak ito ng bahagya upang dumulas ang puto pababa ng mold. Hayaan itong nakabaligtad upang hindi madurog ang flan.

3. Ang pagka-alsa ng Leche Puto ay naiiba sa ibang pamamaraaan ng pag-gawa, ito ay medyo firm at hindi spongy. Kung kaya’t hindi pumuputok ang ibabaw, at medyo siksik ito. Hindi maa-aring hindi umalsa yan, dahil may baking powder na ginamit. Maliban lang kung expired na ito, o may binago ka sa mga sangkap. Kung hindi siya umalsa, ano ang texture nya, matigas ba o medyo firm lang? Dahil kung medyo firm lang ito, dagdagan mo ang dami ng ilalagay mo sa mold.

Question: Bakit habang inii-steam maganda ang alsa pero bumabagsak pagkatapos?

ANSWER:

Binuksan mo ba ang takip ng steamer bago pa ito maluto? Iwasan buksan ang takip ng iyong steamer kung hindi pa naabot ang required steaming time, dahil nagrereset ang init ng steamer kapag tinangal ang takip. At kapag nagreset ang init ng iyong steamer ay siya rin dahilan upang mahilaw ang iyong Leche Puto

If hindi mo binuksan ang steamer ng bitin sa cooking time. Maari din naman sa ginamit na baking powder. Gaano na ba katagal ang baking powder na ginamit mo. If luma na ito at galing sa tirang pinaglutuan. Palaging tandaan na icheck muna kung hindi pa expired ang baking powder na gagamitin. Kung ito naman ay natira sa dating pinaglutuan, siguraduhin na ang baking powder ay isinantabi ng maayos at hindi nahahanginan.


Question: Bakit naging malabsa ang puto flan ko?

ANSWER: Do not steam the puto too long that the excess moisture gets absorbed by the cooked puto that might result to sogginess.

Question: Hindi po kaya may kinalaman yung paraan ng paghalo ko kaya hindi po umalsa? Anu po ba ng tamang paraan ng paghalo?


ANSWER: Fold the egg whites into the flour-milk mixture. “Fold” means to mix lightly and carefully carefully so as not to break air bubbles. When you beat the egg whites, the volume triples because of air bubbles which will make the puto light and soft so you do not want to break them.


Question: Bakit hindi po umalsa yung puto e sinunod ko naman po yung dami ng baking powder na nasa recipe?


ANSWER: Pag sinunod po ninyo ang amount ng baking powder sa recipe, at hindi umalsa ang puto. Add more baking powder. Iba-iba po kasi ang ratio ng ingredients ng bawa’t manufacturer kaya iba-iba rin ang pag-alsa ng puto. This can happen to anyone from time to time. Even if you followed the required measurement of baking powder.

 

What you can do is to add a little more of baking powder. Pag masyadong yellowish ang kulay at hindi umalsa na parang makunat na kutsinta ang ibig sabihin ay maaaring hindi ka gumamit ng baking powder.

Question: Whole eggs po ba dapat ang ilalagay sa flan?


ANSWER: Kapag malambot ang leche, kulang yan sa itlog. Maaaring maliit ang pula ng itlog na iyong ginamit, okey lang na magdagdag ka ng kahit dalawa pang itlog. At kahit may pahid na mantikilya ang hulmahan, maaari pa din dumikit ang puto kaya ang gagawin scrape mo ang gilid ng molder then invert mo

Question: Anu po ba dapat na gawin para maganda kalalabasan ng pagluto namin ng puto flan? Para maiwasang ma-deform ang puto at pati ang flan.

ANSWER:

Palaging Tandaan:

1) Salain muna ang dry ingredients bago ito ihalo sa wet ingredients.

Cut and Fold Technique: Photo by Homey Circle

2) Pag Aralan ang “Cut and Fold” sa paghahalo ng ingredients. May mga air bubbles na dapat hindi mawala sa paghahalo ng iyong mixture kaya cut and fold technique ang gagawin. Paikutin lamang ang spatula na parang nagtitiklop ng papel. Katulad  photo sa itaas.

3) Gumamit ng fresh baking powder.

4) Palamigin mo muna ang flan bago ilagay ang puto mixture.

5) Siguraduhin na tama lang ang laki ng egg yolk na gagamitin, kung malambot ang flan, maaring maliit lang ang yolk na hinalo mo, maaring magdagdag ka pa ng yolk o haluan mo ng whole egg para maging firm pa ito.

 

Steamer Pot covered with cloth


Question: Bakit hindi ok yung alsa at basa po siya na malabsak?


ANSWER: Lagyan o balutan ng cheesecloth o malinis na tela ung takip ng steamer para yung condensation ng steamer hindi mapunta sa puto. Kahit bago ang baking powder pero nahanginan na or di maayos pagkaka-store mawawala ang effectivity nya na magpaalsa.

Question: Bakit po may buo buo yung flan ko po? Pero ang lambot pag nahahawakan?


ANSWER: Hindi mo na strain yung flan mixture kaya may buo buo, dapat yung flan strain mo ng twice…mas mainam talaga whole egg or haluan mo ng isang buong itlog yung flan mo para maging firm pa ang flan.

Question: Bakit yung ibang nagluluto ng puto flan ay iba ang pamamaraan kesa sa nag post ng procedure dito? Anu po ba ang tama?


ANSWER: Ang paggawa ng puto flan o puto ay medyo kumplikado kung ikukumpara sa baking. Pagna-perfect mo, doon ka na sa sistemang ginamit mo.

Question: Instead of fresh milk pwede din po ang evap milk?


ANSWER: Puede po, pero mas maputi kalalabasan ng puto pag fresh milk ang gamit po, at mas malambot pa po ito.

Question: Bakit po ang flan ko pag naluto na butas butas po, sinala ko naman po ng tatlong beses. Pero butas pa rin, saan po kaya ako nagkamali?


ANSWER: Malakas po ba yung apoy ninyo habang iniisteam ninyo yung flan, dapat low heat lang po yung apoy para maging smooth po siya.

STEAMING TIPS:

Ang dami ng tubig ay dapat naayon sa tagal ng pagluluto upang hindi matuyuan. Iwasan lamang natin ang pag-akyat ng tubig sa ibabaw ng niluluto. Sa oras na magtubig ang puto o ang leche flan, ay nagkakaroon ng pagbabago sa consistency. Maaaring maging malambot ang flan o hindi umalsa ng tama. Kaya dapat takpan ng maayos ang steamer, katulad ng puting tela upang hindi matuluan yung flan at puto habang pinapasingawan ito.

 

Photo by: Xylene Gacusana, Janet Tondo, Winsron Garce Briz, Bettt Jane Bentulan

Facebook Comments
Bakit Failed ang iyong Puto Flan
Rate this Recipe

Leave a Reply