Filipino Recipe · Lutong Bahay (Daily Menu) · Vegetables

Ginataang Ampalaya, Malunggay at Tinapa

Ginataang Ampalaya, Malunggay at Tinapa

Simple at healthy ulam for the family! Budget meal para sa wais na misis. Creamy Ginataang ampalaya with dahon malunggay at inalatan ng tinapa. Maari mo rin itong palitan ng laman kung nais. Super easy, healthy and easy to cook daily meal.

Ginataang Ampalaya, Malunggay at Tinapa

Ingredients:

Ampalaya ( cut in half, remove the white part)
Gata ng niyog (2 piga, pagbukurin ng lalagyan ang 1st and 2nd na gata)
Tinapa (himayin, itabi ang ulo at katasan ito)
1 taling malunggay leaves, himayin ang dahon
1/4 kilo baboy
Bawang
Sibuyas
Asin (to taste)

Tips:
Para naman sa ampalaya, pagkahiwa nito, ilagay ito sa tubig na may asin, at pigain ito hanggang sa lumata ito ng bahagya, pag napiga na, itapon ang tubig na may asin. Lagyan ulit ng tubig, banlawan, at itapon na ulit ang tubig.

Instructions:

Magpainit ng kawali, lagyan ng mantika, at mag-gisa ng bawang at sibuyas.

Igisa ang baboy na pinakuluan.
Pagkagisa, ilagay ang 2nd na gata.

At saka isunod na ilagay ang hinimay na tinapa.

Haluin maigi hanggang kumulo.
Pag malapit na kumulo, ilagay ang katas ng ulo ng tinapa.

Haluin at hintayin kumulo.

Pag kumulo na, ilagay ang ampalaya at ang 1st na gata.

Wag ito hahaluin masyado dahil baka pumait, mas maayos kung haluin lang ng konti para lang mahalo ung ampalaya at mga sahog.
Pag kumulo na, ilagay ang dahon ng malunggay. Tikman, lagyan ng asin depende sa panlasa niyo. Maari na po itong ihain.

Happy Cooking!

This recipe goes well with:

Pritong Daing na Bangus

Thank you for dropping by our website! Don’t forget to Pin us in Pinterest.

You may also “Add Mama’s Guide to your Home Screen” just like an app for android or IOS.

The star ratings are for those who tried to cook our recipe. Kindly rate back the recipe if you tried it and you’re satisfied.

Thanks a lot for supporting our website and help other friends discover great recipes.

Source

Courtesy of Zennie Munoz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *