Lutong Bahay (Tagalog Version) · No Bake Cake · Pies

No Bake Egg Pie (Tagalog Version)

Loading...
No Bake Egg Pie (Tagalog Version)
4.2 (84.44%) 18 votes

This Egg Pie is cooked using a steamer. So if you want to make an Egg Pie even without an oven, yes it is easy. Use a steamer instead of an oven.

For the pan: You may also use disposable aluminum pans that can be bought in supermarkets.

Pie pan size: 6”

No Bake Egg Pie (Tagalog Version)

Mga Sangkap:
Crust:
1 cup all purpose flour
½ cup butter
2 tbsp sugar
¼ tsp salt

Filling:
4 Eggs
1 small can evaporated milk (1 cup)
½ cup sugar
½ cup condensed milk
1 tsp vanilla flavor

Paraan ng Pagluluto:

Sa isang katamtamang laki ng mangkok, pagsamahin ang all purpose flour, butter, sugar at pinch of salt. Masahin gamit ang malinis na kamay hanggang maging parang dough. Dagdagan ng kaunting malamig na tubig, 1 or 2 tbsp lamang at unti unti lamang ang dagdag kung kulang sa tubig. Masahin maigi hangang sa makuha ang tamang consistency ng dough at madaling makabuo ng round pie sa iyong hulmahan. Gumamit ng rolling pin or improvised na malinis na bote, upang makabuo ng flat round dough kahugis ng pizza dough. Padaanan ng rolling pin ang dough hanggang sa maging flat at ipantay. Note: Kailangan ay makapal ang iyong dough kumpara sa regular crust.

Ilagay na ang flattened dough at ayusin sa iyong pie pan kasama ang gilid ng pan. Ilagay sa ref habang inihahanda ang fillings.

Sa isang separate na bowl, haluin at pagsamahin maigi ang lahat ng ingredients para sa filling. Haluin maigi hanggang sa maging pino or gamitan ng electric mixer if meron. Salain muna bago isalin sa pie pan na nilatagan ng crust. Takpan ng foil ang pie pan upang hindi matuluan ng tubig habang pinauusukan.

Maghanda ng steamer at pakuluin ang tubig. Kapag kumukulo na ang tubig ay saka naman isalang ang iyong pie pan na may filling. Takpan ang steamer at saka hinaan sa mababang apoy lamang. Steam sa loob ng isang oras. Huwag bubuksan ang steamer hangang hindi pa naabot ang tamang oras.

Huwag lakasan ang apoy upang hindi maging scrambled egg ang iyong filling or ma-overcooked.

Kapag naluto na, patayin ang apoy at tangalin sa steamer. Palamigin at saka hatiin. Serve and enjoy!

Also try our new recipe:

Crab Salad Rolls

Source
Photo by @enirehtak81