
SINIGANG SA GUYABANO
INGREDIENTS:
1 kilo beef spare ribs
1 medium guyabano, hinog ngunit hindi over riped
2 medium sibuyas sliced
2-3 medium kamatis sliced
2-4 cloves of garlic smashed & minced
asin at paminta
1 kutsara patis
2 siling haba
1 tali ng kangkong, dinahon
1 tali ng okra, hiniwa
1 medium labanos, hiniwa
INSTRUCTIONS:
- Sa isang malaking kaldero, lagyan ng tubig at ihalo ang spare ribs, pakuluin hanggang lumambot. Simmer sa low heat ng mga 1- 1½ hours. Salain at i-reserba ang sabaw ng pinagpakuluan.
- Himayin ang guyabano at tangalin ang buto. Itabi.
- Sa isang bagong malaking kaldero, igisa ang sibuyas, bawang at kamatis hanggang bumango. Isang kutsa ang spare ribs, timplahan ng patis, ibuhos ang nireserbang sabaw ng pinagpakuluan ng spare ribs at guyabano at pakuluan ito.
- Pagka kulo ilagay ang mga gulay – labanos, siling haba, kangkong at okra. Simmer ng bahagya. Timplahan pa kung kinakailangan pang budburan ng asin at paminta. Patayin ang apoy.
- Serve and enjoy! Masarap sya!