Lutong bahay na simple at masarap mga momshies! Ito ay ang Honey Sesame Chicken in Tagalog instructions. Masarap at manamis namis, siguradong winner ito sa inyong mga kids.
Serves 2 | Prep Time: 10 Minutes | Cook Time: 15 Minutes
HONEY SESAME CHICKEN
SANGKAP:
- 1 lb boneless chicken breast, cut into 1-inch cubes or long strips
- Oil, for deep-frying
- 2 garlic, minced
- Toasted sesame seeds, to garnish
- For the Frying Batter:
- 1 egg white
- 1/2 cup all-purpose flour, sifted
- 1/4 cup cornstarch
- 1/2 teaspoon baking powder
- 1/2 cup water, ice cold
- 1 tablespoon oil
- Pinch of salt
- For the Honey Sesame Sauce:
- 1/3 cup pure honey
- 1 teaspoon apple cider vinegar (kung wala pwedeng rice wine vinegar o kahit na anong suka meron kayo)
- 1/2 tablespoon ketchup
- 1 teaspoon sesame oil
- 2 teaspoons cornstarch
- 1/2 cup water
- 1 teaspoon salt
PARAAN NG PAGLULUTO:
- Paghaluin lahat ng sangkap para sa Frying Batter sa isang mangkok (egg white, haring, cornstarch, baking powder, ice cold water, oil, salt) Batihin ito na parang pancake batter na. Itabi.
- Pagsamahin naman sa isa pang mangkok ang honey sesame sauce (honey, vinegar, ketchup, sesame oil, cornstarch, water, salt). Itabi.
- Magpainit ng kawali na may mga 2 inches na mantika sa medium-high heat. Ilublob ang hiniwang manok sa batter at isa isa itong i-prito. Bantayan upang hindi magdikit dikit. Lutuing hanggang mag golden brown. Salain sa paper towel.
- Samantala sa isang malinis na kawali, igisa ang bawang hanggang bumango. Ihalo ang honey sesame sauce, pakuluin at i-simmer hanggang lumapot ang sauce. Ihalo ang mga pritong piraso ng manok. Budburan ng sesame seeds.
- Maari ng ihain. Enjoy!