Filipino Native Food · Kakanin · Lutong Bahay (Tagalog Version) · Puto Recipe · Puto Recipes

Puto Pao (Tagalog Version)

Loading...
Puto Pao (Tagalog Version)
Puto Pao (Tagalog Version)

Paano nga ba gumawa ng puto pao na masarap at pang business. Subukan ang tried and tested Tagalog version recipe ng aming Puto Pao! Madaling sundan dahil Filipino ang procedure. Happy cooking!

Puto Pao (Tagalog Version)

Sangkap:

Para sa Puto:

4 cups all purpose flour
1 cup white sugar
¼ cup baking powder
2½ cups water
1 cup powdered milk
3 large eggs
3 tablespoons butter, melted and cooled

Para sa Filling:

2 tablespoons cooking oil
2 cloves garlic, minced
500 grams flaked pork
½ cup water
½ cup white sugar
1 teaspoon cornstarch
½ cup soy sauce
1 piece laurel leaf
1 piece star anise

Para sa Toppings:
4 salted eggs, sliced
cheddar cheese, sliced

Paraan ng Pagluluto:

Para sa Puto:

1) Sa isang malaking bowl, paghaluin ang arina, asukal at baking powder, ihalo ang tubig at powdered milk. Haluing mabuti hanggang lumapot.

2) Idagdag ang mga itlog at butter at haluing mabuti. Itabi.

Para sa Filling:

1) Sa isang kawali, ilagay ang konting mantika gamit ang katamtamang apoy at igisa ang bawang hanggang bumango. Ihalo ang hinimay na karne ng baboy at lutuin ng mga 3 minutos, halu haluin. Idagdag ang natitirang asukal, toyo, star anise, ihalo ang 1 tsp. cornstarch sa 1/2 cup water. Lutuin hanggang lumambot ang karne at lumapot ang sauce nito.

2) Kapag luto na tanggalin ang dahon ng laurel at anise. Itabi.

3) Ihanda na ang iyong steamer at maglagay ng tubig sa ilalim.

4) Dahan dahang ilagay sa ibabaw ng liyanera ang mixture ng puto. Mga 1/4 o kalahati ng batter at lagyan ng filling o palaman na karne at magbuhos pa ng batter upang matakpan ang filling. Pwede na itong lagyan ng keso at itlog na maalat sa ibabaw ng puto pao mixture.

Cooking Notes:

*Ibuhos ang puto mixture sa cupcake liners na nasa loob ng puto moulder. Yung malaki laking size po ito na puto. Mga 8 puto ang magagawa sa recipe ito.

*Kung hindi naman gagamitan ng cupcake liners ay maari naman lagyan na lamang ng butter ang moulder para hindi dumikit ang puto.

3) Ilagay ang mga moulder sa steamer na may kumukolong tubig sa ilalim at takpan ng cheesecloth ang steamer pati ang cover ng steamer. Steam na ninyo ng mga 10-15minutes sa pinakamababang apoy. Pagkaraan ng 10-15 minutes tanggalin na sa steamer at palamigin. Upang matiyak rin na luto na, tusukin ang puto ng toothpick at kapag lumabas itong malinis ito po ay luto na. Tangalin sa steamer at palamigin ng konti. Serve and enjoy!

You may also try our new recipe:

Onion Rings Filipino Style

Credits: @judaie17

Did you try cooking this recipe? Send us your food photo. If we love it, we will feature it with your name on our website. Send it to us via email: mammasguide@gmail.com or message us on our Facebook Page.

You may also post it in your own timeline publicly: Instagram, Facebook and Twitter and hashtag us #MamasGuideRecipes. Thanks a lot for supporting our website and help other friends discover great recipes.