Another Pinoy lutong bahay you can try, yummy ginataang munggo. Healthy na at budget-friendly pa. Happy cooking!
Ginataang Monggo sa Malunggay at Liempo
MGA SANGKAP:
1 cup Munggo Beans, cooked by boiling (do not overcook)
2 pcs. medium ripe tomatoes, chopped
1 pc. medium red onions, sliced
2 thumbs ginger, sliced
6 cloves garlic, minced
1 can gata (coconut milk)
1/2 lb. cooked fried or grilled liempo, chopped
1 pc. fish or chicken flavor bouillon
2 cups fresh malunggay leaves, removed from stems
4 pcs okra, sliced
2-3 pcs. chili peppers (optional)
olive or cooking oil
3 cups water
Patis, asin at paminta
PARAAN NG PAGLULUTO:
Igisa ang bawang (3 cloves) hanggang maging tostado. Itabi.
Igisa ang sibuyas, kamatis, luya at bawang sa natitirang mantika. Ilagay ang pinalambot na munggo beans at okra. Haluin ng mga 2-3 minutes hangang lumambot ng bahagya ang okra. Ibuhos ang gata at tubig, pakuluin. Ilagay ang fish o chicken bouillon/cubes. Timpalahan ng kurot mg asin or patis, at paminta.
Ihalo ang malunggay leaves at simmer ninyo sa mahinang apoy ng mga 2 minutes. Maari ng ihain with chopped fried liempo sa ibabaw. Enjoy!