
This Chicken Igado is an ilocano version of Menudo. But if you’re not so into pork which is the original Igado irecipe. You can try this new version of Igadong Manok. Super sarap!
Chicken Igado Recipe
SANGKAP:
- 1 kilo skinless chicken breast (hiniwa ng manipis, strips)
- 1/2 kilo atay ng manok
- 1/2 kilo puso at balunbalunan ng manok
- 1/3 cup ng toyo
- 1/3 cup ng suka
- 1 tsp pamintang buo
- 2 dahon ng laurel
- 1 pack ng atsuete powder
- 1/2 cup Jufran banana ketchup
- 1 red bell pepper (hiniwa ng manipis or strips
- 1 patatas, hiniwa ng manipis or strips
- 1/2 cup ng garbanzos (optional)
- 1/2 cup ng green peas
- 3 butil na bawang (pinitpit at hiniwa)
- 1 medium sibuyas (hiniwang manipis)
- 1 knorr chicken cube
- Tubig
- Asin o patis
PARAAN NG PAGLULUTO:
- Sa isang kaldero, pakuluan ang atay, puso at balunbalunan ng manok sa tubig na may asin at suka (pang-tanggal ng lansa).
- Kapag kumulo na ang tubig ay tanggalin kaagad ang atay dahil madali lang ito maluto.
- Hinaan ang apoy at hayaang kumulo ang puso at balunbalunan ng isang oras o hanggang maluto siya. Itabi muna at palamigin. Kapag malamig na ay hiwain ang lahat ng lamang loob ng maninipis (strips).
- Sa mainit na mantika ay igisa ang bawang at sibuyas. Isunod ang hiniwang chicken breast.
- Stir fry ng limang minuto. Idagdag ang isang tasa tubig at knorr chicken cube. Haluin, takpan, hinaan ang apoy sa medium heat at hayaang kumulo ng 10 minuto.
- Ihalo ang puso, balunbalunan, toyo, suka, pamintang buo at laurel. Hayaan ulit kumulo ng 5 minuto. Idagdag ang atay at atsuete powder at haluin hanggang mamula ang kulay ng sauce. Hinaan ng husto ang apoy at hayaan ng 10 minuto.
- Kapag malapot na ang sabaw ay idagdag ang garbanzos, green peas at red bell pepper. Habang hinahalo ay idagdag ang banana ketchup. Timpalahan ng ayon sa panlasa, maglagay ng kurot ng asin o patis. Patayin ang apoy at isilbi habang mainit pa at may kasamang kanin. Enjoy!!! Happy cooking!