Fish

Guisadong Sardinas with Pechay and Boiled Egg

Loading...
Guisadong Sardinas with Pechay and Boiled Egg
4 (80%) 7 votes

Photo by @gretzdazo

Namiss mo ba ang kumain ng sardinas. Super dali lang lutuin igisa-gisa lang sa kamatis at sibuyas at bawang at lagyan ng konting pechay at nilagang itlog. Masarap itong pigaan ng kalamansi o limon bago isubo kasama ang mainit na kanin na pinatisan.

Sangkap:
1 latang sardinas (oblong)
1 medium sibuyas (hiniwang pahaba)
3 butil na bawang (pinitpit at hiniwa)
1 itlog (nilaga)
1 kamatis (hiniwang pahaba)
1 tali ng pechay
2 kutsarang olive oil
patis
1 Kalamansi or lemon

Cilantro or wansoy (optional)

 


Paraan ng pagluluto:
Igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang kamatis at lutuin hanggang lumambot ito.

Idagdag ang sardinas at pechay at marahan na haluin ito. Ingatan na hindi madurog ang mga isda dahil napakalambot nito from can. Takpan, hinaan ang apoy at hayaan maluto ng 3 minuto.

Patayin ang apoy at ilagay ang hiniwang nilagang itlog. Maari ng ihain ito. Optional din pero masarap budburan ito sa ibabaw ng fresh na cilantro na hiniwang maninipis at samahan ng ginayat na kalamansi o limon.

Dalawang klase po ang masarap na pag-aadjust sa lasa nito. Ang una ay dagdagan ng patis ang mismong sardinas hanggang sa makuntento sa lasa. Pangalawa, ang sardinas na de lata ay timplado na kaya wisikan na lang ng patis ang mainit na kanin

Serve and enjoy!

 

Source:

Photo

Leave a Reply