Seafood

Pinasingawang Alimango (Steamed Crabs)

Loading...
Courtesy of My Kitchen Offeringsbo

Maghanda ng maraming kanin at kalimutan muna ang diet. Mapapasabak ka sa sarap ng steamed crabs at samahan mo pa ng nilagang sweet corn. Yummmy! Tara at magluto. #LetsCookMgr

Sangkap:

2 kilong alimango (mas masarap at manamis-namis ang buhay/sariwa)
2 pirasong tanglad (lemon grass)
1/2 tasang pinitpit at tinadtad na bawang
1/2 tasang mantekilya o butter (1 stick)
1 kutsaritang olive oil
1 kutsaritang sesame oil
1 gahinlalaking luya na hiniwa ng maninipis
asin

Paraan ng pagluluto:

Ihanda ang tubig para sa base ng steamer at simulang pakuluan ito. Idagdag ang luya at sesame oil. Ipwesto ang mga alimango sa steamer rack, budburan ng asin at lagyan ng tanglad ang paligid nito. Kapag kumulo na ang tubig ay ilagay ang alimango at takpan. Pasingawan sa mataas na apoy ng 30 minuto dahil 2 kilo ito. Ang tamang pagluto ng alimango ay 15 minuto kada kilo.

Kung wala naman steamer ay pwede rin itong pakuluan sa isang malaking kaserola gamit ang tubig, luya, tanglad, sesame oil at asin. Ang mga sangkap na ito ay magpapasarap sa lasa at aroma ng alimango.

Sa isang sauce pan ay initin ang mantekilya sa mababang apoy hanggang matunaw ito. Ilagay ang bawang at olive oil. Takpan at hayaang kumulo ng 3 minuto. Patayin ang apoy at itabi muna. Ito ang inyong butter garlic sauce.

Makalipas ang 30 minuto ay simulang pahiran ng butter garlic sauce ang alimango. Itabi ang kalahati ng butter garlic sauce para sawsawan mamaya. Takpang muli ang steamer at hayaan ito ng 5 pang minuto. Patayin ang apoy at isilbi ang alimango kasama ang butter garlic sauce. Dahan dahan lang po sa kanin at talagang nakaka-adik ito. Maari din itong ternuhan ng kalamansi o limon at sukang may sili.

Serve and enjoy!

Facebook Comments
Pinasingawang Alimango (Steamed Crabs)
Rate this Recipe

Leave a Reply