Budget-friendly ulam, Sarciadong Sardinas for the win. Cook with Scrambled eggs and chopped tomatoes, seasoned with oyster sauce. Yummy!
Sarciadong Sardinas
Sangkap: 1 malaking lata ng sardinas (spicy) 3 butil na bawang (pinitpit at hiniwa-hiwa) 1 medium sibuyas (hiniwa) 2 kamatis (chopped) 1 kutsara oyster sauce 1 itlog na binati pamintang durog 1/2 tasa ng tubig mantika
Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kawali at katamtamang apoy ay gisahin ang bawang at sibuyas. Isunod ang kamatis. Kapag medyo lumambot na po ang kamatis ay ihalo ang sardinas at tubig. 2. Kapag kumulo na ay lagyan ng oyster sauce at wisikan ng paminta. Haluing ng mainam sa loob ng 2 minuto. 3. Idagdag ang binating itlog. Hayaan po muna natin ng mga 30 segundo na maluto ng konti ang itlog bago haluin at ikalat ng bahagya. Patayin ang apoy. Serve and enjoy!