Lutong Bahay (Daily Menu)

Butterscotch Brownies (Baked in Oven Toaster)

Can you bake or cook Brownies even without an oven? Yes, definitely! You can use a small oven toaster worth 700 pesos sold in SM supermarket (they have a mini appliance corner inside the grocery). Also, you can make your own Pinoy Improvised oven at Home. We have collected the Top 10 Pinoy Type Improvised Oven you can make at home if you don’t have a traditional oven or La Germania.

Butterscotch Brownies (Baked in Oven Toaster)

INGREDIENTS:

  • 250 Grams White King Butterscotch Mix**
  • 1 egg, binate
  • ½ cup Butter
  • Fresh Mango bits, or chocolate chips (optional garnish)
  • Materials needed: Foil
**Notes: 1 box White King Butterscotch brownies contains 2 packs of 250grams. I bought it in SM supermarket.

INSTRUCTIONS:

  1. Tunawin sa isang maliit na tasa ang ½ cup ng butter sa oven toaster. Palamigin at itabi muna. Magingat at gumamit ng pot holder para hindi mapaso.
  2. Samantala, sa isang medium size na mangkok. Magbati ng isang itlog, isalin ang 250 grams butter scotch flour mixture at haluin ito gamit ang tinidor or whisk. Dahan dahan idagdag ang tinunaw na butter hangang maging malagkit ang texture ng mixture. (Magtira ng 1-2 kutsarang butter pang grease ng tray) Huluin lamang ng 1 to 2 minutes. Iwasan masobrahan ng halo, kung ayaw masira ang alsa ng iyong harina.
  3. Ihanda ang tray ng oven toaster. Magupit ng foil na doble ang size sa tray. Ang sobrang foil ay siyang ititiklop bilang cover sa ibabaw ng brownies. Ilapat ang foil sa oven toaster tray, pahiran ng natirang 2 kutsarang tinunaw na butter. Isalin ang flour mixture. At ikalat sa tray ang mixture at ipantay. Kung may mango bits or chocolate chips na maliliit ay maari itong ikalat sa ibabaw ng mixture.
  4. Itiklop sa ibabaw ang sobrang foil upang magsilbing takip sa ibabaw. Ito ay para maiwasan masunog ang ibabaw ng mixture.
  5. Isalang ito sa oven toaster, at ibake ng 9 minutes. Kapag tumigil na ang timer..palamigin ng 1 to 2 mins. At i-set muli ang timer sa 5 minutes or limang guhit sa timer. Kung sisilipin mo ang itsura ng brownies mapapansin mo na parang cake ito na umalsa after maluto. Ibig sabihin luto na ang iyong brownies. Hayaan muna at palamigin ng 30 to 45 minutes. Magiging gooey ang iyong brownies habang lumalamig ito sa room temperature. Kapag malamig na ay maari mo na itong hiwain sa nais na laki. Hiniwa ko ito ng 2×2 inches na square.
  6. Pwede ng iserve sa meryenda. Enjoy!

YOU MAY ALSO TRY OUR: